Ang Panimula o Introduksyon - isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng pananaliksik.
Layunin ng Pag-aaral - Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy din dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pag-aaral - Inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Tinutukoy din dito kung sino-sino ang mga baryabol na sakop at di sakop ng pananaliksik.
Depinisyon ng mga Terminolohiya - Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa'y binigyan ng kahulugan.
Operasyonal na Kahulugan - kung paano ito ginamit sa pananaliksik.
Konseptuwal na Kahulugan - istandard na kahulugan, makikita sa diksyunaryo.