Iba't ibang bahagi ng pananalita

Cards (8)

  • Pangngalan - Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, o pangyayari
  • Panghalip - Ito ay bahagi ng pananalita na pamalit o panghalili sa pangngalan o kapuwa panghalip upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit nito
  • Pandiwa - Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
  • Pangatnig - Ito ay mga salita, lipon ng mga salita o katagal na ginagamit sa pag-ugnay ng isang salita sa kapuwa salita, ng isang parirala sa kapuwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapuwa pangungusap
  • Pang-ukol - Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay sa pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak, o layon.
  • Pang-angkop - Ito ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ito upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang-turing nito.
  • Pang-uri - Ito ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa isang pangngalan, o panghalip, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular
  • Pang-abay - Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapuwa pang-abay