Ang tekstongpersuweysib o ay may tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinion at paniniwala ng may-akda.
Layuning nitong manghikayat o mangumbinsi sa nagbabasa ng teksto.
Ang tekstong persuweysib ay may subhetibongtono sapagkat malayangipinapahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyu.
Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamitan ng iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut sa isang samahan o networking.
Ang mga ito ay ginagamitan ng propagandadevices.
Name-calling ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri ng isang produkto o katunggaling tao o politiko upang hindi tangkilikin.
Glittering Generalities ay maganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Transfer ay ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Testimonial ay kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang produkto
Plain Folks ay karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Card Stacking ay ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magagandang katangian.
Bandwagon ay panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali.
Tatlong Paraan ng Paghihikayat ay Ethos, Pathos, at Logos
Ethos ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang tao o manunulat. Kailangan kapani-paniwala ang taong nahihikayat.
Pathos ay tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala sa kanilang emosyon.
Logos ay tumutukoy sa gamit ng lohikal upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat ang sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyangpananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan.