Kakausapin din siya ng pari bilang isang mag-aaral
Tinanong ng pari si Isagani kung ano ang nasa sa kanila ng mga mag-aaral na Pilipino
Nabigla ang binata sa tanong ng pari kaya pabigla din itong sumagot
Ninanasa nilang magsitupad ang mga prayle sa kanilang mga kautangan
Tungkulin ng mga prayle na pabutihin ang mga bata at mabigyan ang mga ito ng maayos na bayan
Tinutupad nga ni Padre Fernandez ang kaniyang tungkulin ngunit ang kalipunang prayle ay hindi
Nagkakaisa ang mga prayle at ang pamahalaan upang mapanatiling mangmang ang mga Pilipino
Ramdam ni Padre Fernandez ang lahat ng mga tugon ni Isagani
Noon lamang niya naranasan na talunin ng isang mag-aaral na Pilipino
Ang pamahalaan ang taga-utos at sila'y tagasunod lang
Hinihiling ng binata ay tumulong at huwag tumutol sa kalayaan ng mga ito
Nangako ang pari na sasabihin sa mga kaparian ang mga sinabi ng binata
Nandoon ang ibanag panauhin nang dumating ang bagong kasal kasama Donya
Nakaramdam ng awa si Basilio sa mga taong walang sala
Muli na namang umiral ang kabaitan ni Basilio
Sinubukan nitong pumasok sa bahay ngunit hinarang naman ito ng mga bantay dahil sa karumihan ng kaniyang damit
Nakita ni Basilio na si Simoun ay paalis na kaya't nangatal ito sa takot at lumayo sa tahanang iyon
Nakiusap si Basilio na sumama si Isagani sa kanya ngunit hindi ito pinansin
Nang mapansin ni Isagani na totoong takot si Basilio ay mabilis itong nagpasiyang lumabas ng bahay dahil sa pag-aakalang totoo nga ang magaganap na pagsabog
Ang nakalagda sa papel ay ang sulat kamay na pangalan ni Juan Crisostomo Ibarra, ang pilibusterong mahigit sampung taon nang namatay
Ipinataas ng heneral ang mitsa kay Padre Irene
Napansin ni Chichoy na ginigiba ang kiosko at nakita din nito ang mga bayong ng pulburang nasa ilalim ng lamesa, sa bubong, at sa mga suluk-sulok
Ayon kay Ginoong Pasta maaaring ang may gawa noon ay taong may galit kay Don Timoteo o di kaya'y kaagaw ni Juanito kay Paulita
Pinayuhan ni Kapitan Loleng na magtago si Isagani dahil baka raw ito pagbintangan
Ayon kay Kapitan Toringgoy, maaaring ang mga prayle, o si Quiroga o si Makaraeg ay may kagagawan nun
Nagulat ang lahat nang umiling Chichoy at sinabing si Simoun ang naglagay ng bayong na puno ng pulbura
Naalala din ni Chichoy ang di-kilalang nagnakaw sa lampara
Aniya hindi mabuti ang kumuha ng hindi kaniya. Kung nalaman lang sana ng magnanakaw ang pakay ay hindi niya kukuhanin ang lampara