Talambuhay Ni Fransisco Baltazar

Cards (25)

  • Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan
  • Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz
  • Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar
  • Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay
  • Pag-aaral ni Kiko
    1. Pumasok sa kumbento
    2. Natutuhan ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo
    3. Nagpatala sa Colegio de San Jose
    4. Natutuhan ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana
    5. Ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran
    6. Natapos ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades
  • Naging guro ni Kiko si Padre Mariano Pilapil, ang may-akda ng Pasyong Mahal
  • Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata
  • Nakilala ni Kiko ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito'y napagukulan niya ng paghanga
  • Nakilala ni Kiko si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw
  • Kiko ay may dala-dalang tula upang ipaayos kay Huseng Sisiw
    Dahil walang dalang sisiw, hindi ito inayos ni Jose
  • Lumipat si Kiko sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera
  • Nagtagumpay si Nano na mapabilanggo si Kiko
  • Isinulat ni Kiko ang walang kamatayang Florante at Laura sa loob ng bilangguan
  • Pagkalabas ni Kiko sa bilangguan noong 1838, lumipat siya sa Udyong, Bataan
  • Nakilala ni Kiko si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak niya
  • Nagkaroon sila ng labing-isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing-siyam na taong pagsasama nila
  • Ilan ang mga anak nina Baltazar at Tiambeng?
  • Naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera si Kiko
  • Napiit muli si Kiko sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila
  • Nang siya ay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro-moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya
  • Si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon

    Noong ika-20 ng Pebrero, 1862
  • Ang "La India Elegante y El Negrito Amante" ay isang dulang parsa na may mga tauhan at tagpong Pilipino
  • Ang "Almanzor at Rosalina" ay isang Moro-moro na itinanghal sa Udyong Bataan nang labindalawang araw
  • Si Francisco Baltazar y dela Cruz (Abril 2,1788 - Pebrero 20,1862), kilala rin bilang Francisco Balagtas na kaniyang tunay na pangalan, ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda ng Florante at Laura
  • Tinaguriang "Hari ng Makatang Tagalog," siya ay nagsulat ng mga tula, awit, komedya, at korido na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sa dambana ng mga makatang Tagalog