PAGBASA-KOMPAN-4TH

Cards (27)

  • Pagbasa
    • Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
    • Isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan
    • Isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
  • Imbak na kaalaman (stock knowledge)

    • Mahalaga para mas malalim na maunawaan ang mga konsepto at impormasyong natatagpuan sa tekstong binabasa
  • Intersaksiyon sa pagitan ng teksto at mambabasa
    • Hinuhulma ng mga paniniwala, kaalaman, at karanasan ng mambabasa at ng kultural at panlipunan kontekstong kinalalagyan niya
  • Pagbuo ng kahulugan
    1. Interaksiyon ng imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa
    2. Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa
    3. Konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa
  • Teoryang Baba-Pataas (Bottom-up)

    • Sunod-sunod na proseso ng pag-unawa ng mga tunog, letra, salita at kahulugan
  • Teoryang Taas-Pababa (Top-Down)
    • Paghihimay-himay ng mga detalye ng akda upang maunawaan ang kabuoan nito
  • Teoryang Iskema (Schema)
    • Kaugnayan ng dating kaalaman sa bagong impormasyong inihahain ng tekstong binabasa
    • Madaling maintindihan ang mga binabasa dahil ito ay nabasa na o naaral na
  • Teoryang Interaktibo
    • Koneksyon ng awtor at mambabasa pagdating sa wika at kaisipan sa tekstong isinulat at binasa
    • Sinusubok na palagpasin pa ang kaalaman ng mambabasa sa teksto na binabasa
  • Teoryang Metakognisyon
    • Pagkakaroon ng kaalaman upang maunawaan, makontrol at magamit ang tekstong binasa
    • Kung ano ang makakatulong sa mangbabasa kung sa panonood, pakikinig o pagbabasa
    • Humahanap ng ibang pantulong upang mas mapalalim ang pagkakaintindi sa binabasa
  • Intensibong Pagbasa
    • Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin
    • Piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambasasa
    • Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda
  • Ekstensibong Pagbasa
    • Nagaganap kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interest, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase
    • Malaya at boluntaryong pagbasa ay maaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika
  • Scanning
    • Pahapyaw na pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang espesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa
    • May teksto ngunit hindi kailangan na ubusin ang oras sa pagbabasa ng isang teksto, paghahanap ng isang partikular na salita o impormasyon
  • Skimming
    • Pinaraanang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto
    • Pagbabasa ng buo ngunit pararaanan ng mabilis ang binabasa
  • Casual Reading
    • Kadalasang ginagawa upang magpalipas ng oras
    • Pagbabasa ng mga komiks, magasin at nobela
  • Academic Reading

    • Pagbasa para sa pag-aaral na isinasagawa tungo sa pagkatuto
    • Pananaliksik, batayang aklat
  • Antas Primarya
    • Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literarsi sa pagbasa
    • Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon
    • Hindi kinakailangan ng malalimin na pag-iisip
  • Antas Inspeksiyonal
    • Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito
    • Nakapagbibigay ang mga mambabasa ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu
  • Antas Analitikal
    • Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
    • Pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto
  • Antas Sintopikal
    • Paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay
    • Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa
    • Pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbabasa
  • Bago Magbasa

    • Pagsisiyasat sa tekstong babasahin
    • Previewing o surveying
    • Pagbuo ng tanong at matalinong prediksyon
  • Habang Nagbabasa
    • Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
    • Biswalisasyon ng binabasa
    • Pagbuo ng koneksyon
    • Paghihinuha
    • Pagsubaybay sa komprehensyon
    • Muling pagbasa
    • Pagkuha ng mga kahulugan mula sa teksto
  • Pagkatapos Magbasa

    • Pagtatasa ng komprehenyon
    • Pagbubuod
    • Pagbuo ng sintesis
    • Ebalwasyon
  • Opinyon
    Preperensya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao
  • Katotohanan
    Pahayag na maaring mapatunayan o mapasubaliam sa pamamagitan ng emperikal na karanasan, pananaliksik
  • Layunin
    Nais iparating o motibo ng manunulat
  • Damdamin/tono
    Pakiramdam ng mambabasa sa teksto
  • Pananaw
    • Preperensya sa pagsulat (una, ikalawa o ikatlong panauhan) (pov)
    • Unang panauhan (ako)
    • Pangalawang panauhan (kami, namin, siya)
    • Ikatlong Panauhan (sila, kanila, nila, siya)