Quiz

Cards (27)

  • Tekstong impormatibo
    • ay tekstong nagbibigay o nagtataglay ng tiyak na impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
    • Sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
  • Obhetibo
    • ang mga tekstong impormatibo dahil naglalahad ito ng tiyak na katotohanan o kaalaman nang walang pagkiling
  • Tuwiran
    • ang impormasyon ay mula sa orihinal na pinagmulan nito o batay sa kaalaman ng nagpapahayag o may-akda.
    • Halimbawa, ang nagsasalaysay ay saksi sa isang pangyayari.
  • Hindi tuwiran
    • ang impormasyon ay mula sa kuwento ng ibang tao na naipasa na lamang sa iba.
    • Halimbawa, isinasalaysay ng may-akda ang isang pangyayaring naikuwento sa kaniya ng isang kaibigan.
  • Balita
    • ay impormasyon tungkol sa napapanahong pangyayari.
    • Ito ay maaaring nakalimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online.
    • Nilalayon nitong makapagbahagi ng makabuluhang impormasyon sa publiko.
  • Patalastas
    • ay anunsiyo tungkol sa produkto, serbisyo, o okasyong nais ipaalam sa publiko.
    • Ito ay maaaring inililimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online.
  • Anunsiyo
    • ay pormal na paglalahad sa publiko tungkol sa isang katunayan, intensyon, gawain, o pangyayaring dapat malaman ng mga tao.
    • Ito ay maaaring inililimbag, napanonood sa telebisyon, naririnig sa radyo, at nababasa online.
    • Nilalayon nitong magbahagi ng impormasyon o magpadalo sa isang okasyong ipinatatangkilik nito.
  • Memorandum
    • ay dokumentong naglalaman ng impormasyon tungkol sa kautusang isasagawa, o dapat sundin, o hindi kaya ay naglalaman ng pagbabago sa isang kautusang dati nang naipatupad.
  • paksa
    • maaari nating itanong kung ano ang tiyak na pangyayari na nais ipamalita o ipahayag sa publiko.
    • Mababasa ang paksa sa headline o pamagat ng teksto.
    • ito ang pinag-uusap sa teksto
  • headline
    • ay hindi lamang nagsisilbing pamagat ng isang tekstong impormatibo. Ito rin ay nagbubuod sa laman ng balita.
  • Pangunahing ideya
    • ang naglalaman ng mahahalagang detalye ng tekstong impormatibo.
    • Sinasagot nito ang mga tanong na “ano,” “sino,” “saan,” “kailan,”, at “paano” ng pangyayaring ibinabahagi.
  • Lead
    • o ang unang talata ng buong teksto.
    • Maaari din namang ilang detalye lamang ang nasa lead at ang mga sagot sa iba pang tanong ay nakakalat sa buong teksto.
  • Sumusuportang ideya
    • ay naglalaman ng mga dagdag na detalyeng may kinalaman sa pangunahing ideya
  • Tekstong deskriptibo
    • nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar at bagay
  • Karaniwan
    • o ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama, naririnig o di kaya'y nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginagawang paglalarawan.
  • Masining
    • ito ay paglalarawang abstrak na di mo nakikita nang kongkreto ang larawan o imahing isinasaad ng manunulat. Kadalasa’y gumagamit  din dito ng mga matalinghagang pahayag.
  • Wika
    • ang isang manunulat ay gumagamit ng wika upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan
  • Maayos ang detalye
    • dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari
  • Pananaw ng paglalarawan
    • maaring magkaka-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan
  • Isang kabuoan o impresyon
    • dahil layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mababasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakining nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyong hinggil sa nilalarawan
  • Tekstong Persuweysib
    • nangungumbinse o nanghihikayat
  • Ethos
    • (pamamaraan ng panghihikayat) pangungumbinse gamit amg kredibilidad ng manunulat
  • Pathos
    • (pamamaraan ng panghihikayat) gamit ng emosyon o damdamin sa panghihikayat
  • Logos
    • (pamamaraan ng panghihikayat) gamit ng lohika ipang makumbinse ang mambabasa
  • Tekstong Naratibo
    • naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari; nagsasalaysay
  • Tekstong Argumentatibo
    • naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
  • Tekstong Prosidyural
    • naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain