Rizal

Cards (213)

  • R.A. 1425 (Batas Rizal ng 1956) – nag-oobliga sa mga Pilipino na isama sa kurikulum ang buhay at mga isinulat ni Rizal lalo ang 2 nobela: Noli Me Tangere at El Filibusterismo
  • 1956 – bumabangon pa lamang sa WW2 mula taong 1941-1945 ang Pilipinas (3 taong walang tagapagligtas)
  • Amerikano – tumulong sa paglaya ng Pilipinas mula sa Hapon
  • Colonial Mentality
    Paniniwalang superior ang kultura ng ibang bansa kaysa sa sariling kultura
  • Para malabanan ang colonial mentality, nais buhayin ang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon
  • Nagsumite si Sen. Claro Mayo Recto ng Senate Bill 438 (pagiging compulsory ng 2 nobela sa kolehiya – public at private)

    April 3, 1956
  • Inisponsoran ni Sen. Jose P. Laurel ang bill sa senado dahil siya ang chairman ng Committee on Education

    April 17, 1956
  • Laurel: 'Ang Noli at El Fili ay dapat na basahin ng lahat ng Pilipino. Dapat itong isapuso sapagkat makikita dito ang ating mga sarili gaya sa isang salamin: reflection, strengths, weaknesses, awareness'
  • Pang. Ramon Magsaysay – lumagda sa Batas Rizal

    June 12, 1956
  • Mga Dahilan ng Pagtutol ng Simbahan
    • Sa 333 pahina ng Noli, 25 pahina lamang ang nasyonalistiko
    • 120 pahina ay salungat sa simbahan
    • 170 linya sa Noli, at 50 sa El Fili ang 'di sang-ayon sa katuruan ng simbahan
    • Katolikong bansa ang Pilipinas, at magkakaroon ng pagkakawatak-watak
    • Salungat ito sa freedom of religion at freedom of speech
  • Mga Senador na Tumutol
    • Sen. Mariano Cuenco - kapatid ni Arsobispo Jose Maria Cuenco ng Jaro.
    • Sen. Francisco Rodrigo - dating pangulo ng Catholic Action.
    • Sen. Decoroso Rosales - kapatid ni Julio Cardinal Rosales ng Cebu.
  • Pagtatagpo sa Gitna
    Isinulong ni Laurel ang Revision by Substitution: 1. Imbes na Noli at El Fili lamang, isasama ang ibang akda ni Rizal
    2. Hindi na compulsory ang pagbabasa ng 2 nobela; Maaaring magrequest ang mag-aaral na hindi ito basahin kung taliwas ito sa kaniyang pananampalataya
    3. Ang unexpurgated ('di-edited) ay para lamang sa kolehiyo
  • 1901 – panahon ng pananakop ng Amerikano (1898-1912). – Iminungkahi ng Komisyong Taft ang pangangailangan ng isang pambansang bayani na magiging idolo at huwaran para sa isang pambansang tunguhin ng mga mamamayan
  • Mga Pamantayan sa Pagpili ng Pambansang Bayani
    • Mamamayang Pilipino
    • May matayog na pagmamahal sa bayan
    • May mahinahong damdamin
    • Yumao na
  • Ang 5 Pinagpilian ng Komisyon
    • Marcelo H. del Pilar - tuberkulosis
    • Graciano Lopez Jaena- tuberkulosis
    • Antonio N. Luna - killed
    • Emilio Jacinto- Malaria
    • Jose P. Rizal - dramatikong kamatayan. Karagdagan: •Emilio Aguinaldo - old age. •Apolinario Mabini - cholera. •Andres Bonifacio - killed
  • Tatlong Dahilan kung Bakit si Rizal ang Piniling Bayani
    • Siya ay umakit sa mga tao upang maghimagsik at magkaroon ng diwa ng kalayaan at pagkabansa
    • Huwaran ng kapayapaan; likas na tahimik at 'di mapusok ang mga Pilipino
    • Madamdamin o sentimental ang mga Pilipino. Kakampi ng mga Pilipino ang mga naaapi at dehado sa laban
  • Sinasabing Bayaning Amerikano si Rizal
  • Ayon kay Apostol, 2022: Mga Paraan kung Paano Ipinilit ng mga Amerikano si Rizal bilang Bayani

    • Act. No. 137 – creating the political-military province of Rizal
    • Act No. 243 – authorized the erection of the Rizal monument at Luneta
    • Act No. 346 – instituted Rizal Day as holiday
  • Nakita nila si Rizal bilang bayani na magagamit para palawigin ang kanilang kaisipang kolonyal: ang pacifism at assimilationism
  • Sa aklat ni Theodore Friend na "Between Two Empires" : 'Aguinaldo was too militant, Bonifacio was too radical, and Mabini was unregenerate. Rizal was a pacifist who advocated political evolution rather than revolution'
  • Ambeth Ocampo: 'We have a national hero who wrote a lot for a nation that does not read him'
  • Magkatuwang na pinamahalaan ng Estado at Simbahan ang pamamahala sa Pilipinas sa panahon ng pananakop. Para maging lubos ang control sa mga katutubo, sapilitan nilang tinuruan ang mga katutubo ng bagong paniniwala. Nagtayo rin sila ng mga bagong institusyong pampolitika, pang-ekonomiya, at pang-Simbahan
  • History
    Mula sa mga Kanluranin
  • Kasaysayan
    Sariling atin, sanaysay na may saysay para sa nagsasalaysay at sinasalaysayan, saysay – kwento at kabuluhan
  • Ferdinand Blumentritt – bestie ni Rizal. Kailangang malaman ang paligid ni Rizal upang mas maunawaan ang mga akda niya
  • Panahon ng Espanyol (1565-1898)
    • Dala-dala nila ang krus at espada
  • Ekonomiya
    • Monopolyo
    • Kalakalang Manila – Acapulco
    • Minopolisa ng gobyernong Kastila ang kalakalang pandagat sa Pilipinas, at itinatag ang Kalakalang Galyon na umiikot mula Manila, Pilipinas hanggang Acapulco, Mexico
    • Isinarado nila ang pantalan ng Manila sa ibang mangangalakal. Lahat ay dadaan lamang sa pamamagitan ng mga galleon, na kanilang kontrolado
    • Ang Mexico ay nasa ilalim ng Espanya at pinamamahalaan ang Pilipinas sa pamamagitan ng Mexico
  • Galleon/Galyon
    Tawag sa mga barkong ginagamit sa kalakalan sa rutang ito
  • Inaabot ng humigit-kumulang 200 araw para makabalik ang mga galleon
  • Mahalaga ang galleon dahil dito isinasakay ang mga mahahalagang dokumento mula sa Espanya at Mexico, at ang situado na taunang pondong panustos ng gobyerno (subsidiya) na kalimitang nagkakahalaga ng 250, 000 piso
  • Our Lady of Peace and Voyage
    Gumagabay sa galyon, matatagpuan sa Antipolo
  • Laisses' faire
    Kaisipang nauso na nagsasabing hindi dapat makialam ang gobyerno sa kalakalan, at dahil na rin sa pagbubukas ng mga bansa sa direktang kalakalan imbes padaanin pa sa monopoly ng mga makapangyarihang bansa
  • Pagbubukas ng Suez Canal (1870s) – Nagpadali sa daloy ng biyahe at kalakalan. Kasabay nito, dumami ang mga migrante na nagpupunta mula sa iba't ibang bansa
  • Kasabay ng pagdaloy nito, dumadaloy rin ang ideya at kaisipan mga bagong kaisipang tungkol sa gobyerno at lipunan, na delikado para sa mga kolonisador
  • Kaisipang Pranses
    • Kayang mabuhay kahit walang hari at reyna
  • Maganda ang pamamalakad ng Espanya kaya nais ni Rizal maging probinsya tayo nito, habang nais ni Bonifacio na humiwalay tayo
  • Edukasyon
    • Sa pagpasok ng 15-dantaon, nagsimulang itayo ang mga pinakaunang Pamantasan at kolehiyo, at mga bokasyonal na paaralan
    • 1863 – naitatag ang kauna-unahang makabagong pampublikong edukasyon sa Asya
    • Ipinag-utos ni Haring Felipe II ang pagbibigay edukasyon sa mga katutubo sa Pilipinas kasabay ng pagtuturo ng wikang Espanyol, upang mapalaganap ng mga fraile ang kanilang wika, inaral nila ang wika ng mga katutubo
    • Doctrina Christiana – inilathalang naisulat sa 2 wika: Espanyol at Tagalog. Kauna-unahang inilimbag na aklat sa bansa noong 1595
    • Vocabulario de la Lengua Tagala – salin ng mga wika
    • Maliban sa pagbasa at pagsulat, itinuro rin nila ang mga makabagong kaalaman sa industriya at pagsasaka
    • Itinuri ang katesismo sa mga paaralan, pagbasa at pagsulat sa Kastila, at mga awiting pansimbahan
  • Pinakamatandang Academ
    • Colegio de S. Potenciana (1589)
    • Universidad de S. Ignacio (1590)
    • Colegio de S. Ildefonso (1595)
    • Colegio y Seminario de San Jose (1601)
    • Colegio de Nuestra Senora del Santisimo Rosario (1611)
    • Colegio de S. Juan de Letran (1620)
    • Real Colegio de S. Isabel (1632)
    • Universidad de San Felipe de Austria (1640)
  • Colegio de Nuestra Senora del Santisimo Rosario (1611)

    • Pinalitan ang pangalan ng Colegio de Santo Tomas
    • 1645, itinaas ni Papa Inocente X sa antas ng Unibersidad
    • 1902, ginawaran ni Papa Leo XIII ng titulong "Pontifical University" ang UST
    • 1947, ginawaran ni Papa Pio XII ng titulong "The Catholic University of the Philippines" ang UST
    • Pinakamatandang unibersidad
    • Nasira sa Ikalawang Guerra Mundial noong 1940s
  • Colegio y Seminario de San Jose (1601)

    • 1865, naging Escuela Municipal
    • Naging Ateneo Municipal de Manila
    • Hawak ng mga Jesuita, matatagpuan sa loob ng Intramuros
    • 1930s, nasunog ito at inilipat sa Ermita. Nasira ulit sa WW2 kaya nilipat sa Ciudad Quezon