Mga mag-aaral na nagsusuper-saiyan tuwing may bagong aktibiti na nailagay sa google classroom dahil ang mantra ay "Due Today, Do Today!"
Honorable Mention
Mga mag-aaral na ginawang trabaho ang online class dahil sa sobrang dedikasyon, at hindi pa pumapatak ang "5 minutes before the class" na rule ay nasa loob na agad ng Google Meet
Mga mag-aaral na nagkaklase sa bahay
Type A (mga walang pisikal na barya-barya dahil "what'scashkungmaygcash" ang peg)
Type B (mgabudol, sila ang mga aalis nang biglaan dahil siyang inaasahan ni mama na magbabayad sa shoppee/Lazada na darating)
Bed Sheets Stories
Mga mag-aaral na nagsusunogngkilay dahil naghabol o tinapos ang mga deadline kagabi
Pambar-itis
Mga mag-aaral na rasondoon,rasondiyan- puro na lang rason! Malakas magbigay ng excuses na hindi makakatulong sa paggawa ng group activities
Taong Cave
Mga mahilig mag-off cam, hindi nila memorize ang schedule, at sumali ng meet nang walang ligo, walang bihis, at tulo laway pa
Talaki-Talk
Mga mag-aaral na matatawag na lifesaver ng klase dahil sa tuwing nagkakaroon ng dead air ay agarang inio-open ang kanilang mic upang sagot ang tanong ni teacher
S.O.C.O
Mga mag-aaral na ang trabaho sa online class ay photographer, nag-i-screen shot ng PPTs and other reading materials
Chooks to Go
Mga mag-aaral na may "backgroundnoise" sa tuwing nagre-recite, pero "it's the quality of what you say, not the noise of the chickens and dogs"
Mugunghwa Kochi Pieotsumnida
Mga kaklaseng either naka-stop or biglang nag-glitch dala na rin ng internet connection
TheGreatestShowman
Mga mag-aaral na hindi namamalayang hindi pala sila naka-off mic at hindi naka-off video
The Abangers: End Game
Mga kaklaseng abangers sa activity sheets, at abangers sa iba pang mga gawain
Nag-iba man ang mga bagong klase ng mag-aaral sa naranasang pandemya ngunit sigurado pa rin na ang lahat ng ito ay may dalang aral sa ating lahat
Ang mga pangarap na kailangang panghawakan at ipaglaban sa araw-araw na pagpasok online. Tibay ng loob at kasipagan ang kailangan kung kaya't doon tayo sa PAGPUPURSIGE 'wag PURO SIGE!