Epekto ng Digmaang Pandaigdig

Cards (26)

  • 1894 - pinalubog ng mga Hapones ang barko ng mga Tsino na may lulang 1,200 na mga sundalo na papunta sa Korea.
  • Sa ilalim ng kasunduan ng mga Tsino at Hapones matapos ang kanilang digmaan noong 1894 ay naipasailalim ng mga Hapones ang Formosa.
  • Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaaang Pandaigdig ay muling naibalik ang Formosa sa pamamahala ng Tsina.
  • Noong 1904 ay sinalakay rin ng mga Happones ang mga barkong military at sibilyan ng mga Ruso na nakahimpil sa Port Arthur sa rehiyon ng Manchuria sa hilagang Tsina
  • TRIPLE ALLIANCE - Germany, Austria-Hungary, at Italy
  • TRIPLE ENTENTE - Great Britain, France, at Russia
  • Sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig mula 1914 hanggang 1919 ay pumanig sa Triple Alliance ang mga Hapones.
  • Nakuha ng bansang Hapon ang ilan sa mga teritoryo ng mga bansang Alemanya.
  • Napasailalim ng bansang Hapon ang mga Isla ng Formosa, bansang Korea, rehiyon ng Manchuria, at mga isla ng Sakhalin at Kuril sa Unyong Soviet.
  • Nakatuon sa ekonomiya ang naging papel ng Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.
  • Tinulungan nila ang mga mananakop sa pamagitan ng mga sundalo at likas na yaman.
  • Para sa mga nakararaming ordinaryong mamamayan, ang digmaan ay pagkakataon upang makalaya sa kamay ng mga mananakop.
  • Sinamantala naman ng Japan ang digmaan upang masakop ang mga teritoryo ng Germany sa Pasipiko.
  • Sa pagtatapos ng digmaan noong 1918 ay nilagdaan ang Kasunduan ng Versailles sa France, tatlong mahahalagang pagbabago ang nangyari sa Asya:
    • Ang pagkakawatak-watak ng Imperyong Ottoman
    • Ang pagtindi ng pagnanais na kalayaan
    • Ang pag-usbong ng Japan bilang imperyalistang estado
  • Noong ika-7 ng Hulyo, 1937 ay naganap ang kaguluhan saa Tulay ng Marco Polo sa Beijing at sinundan ng paglusob ng mga Hapones sa Tsina kahit hindi pa sila pormal na nagdeklara ng digmaan.
  • Ang mga Hapones ay kakampi ng Germany at Italy. Noong 1941, sinalakay nila ang Pearl Harbor, isang himpilan ng hukbong-dagat ng America sa Pasipiko.
  • Sinamantala ng mga Hapones ang pagkakataon upang maisakatuparang ang pangarap na imperyong Hapones sa Asya.
  • Naging marahas at malupit ang paraan ng pagsasakop ng mga Hapones upang maipakita ang pagiging superior ng lahing Hapones kaysa sa iba
  • Sinakay ang mga sumusunod sa mga sumusunod na bansa sa Asya:
    • Pilipinas
    • Burma (Myanmar)
    • Singapore
    • Malaysia
    • Indonesia
    • Laos
    • Cambodia
    • Vietnam
  • Natapos ang pamamayagpag sa kapangyarihan ng Japan nang ipag -utos ni Pangulong Harry Truman ng US ang paggamit ng pinakabagong imbensyong pandigma .
  • Pinabagsakan ng mga Amerikano sa pamamagitan ng bomba atomika na tinatawag na “Little Boy” lulan ng eroplanong Enola Gay ang Hiroshima noong ika - 6 ng Agosto, 1945 . Noong ika - 9 ng Agosto, 1945 ay nagpabagsak ulit ng bomba atomika na “Fat Man” ang mga Amerikano sa Nagasaki .
  • Pormal na natapos ang digmaan nang lagdaan ng Japan ang papeles ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay noong Setyembre 2, 1945.
  • Pinagbayad ang Japan ng mga bayad-pinsala para sa mga nasira ng digmaan.
  • Sa pagsuko ng Japan, sinakop ng US at ng Russia ang Korea . Pinamahalaan ng Russia ang hilagang Korea at ng US ang Timog Korea .
  • Itinatag ng mga Soviet ang pamahalaang Komunista sa Hilagang Korea , samantalang nanaig naman sa Timog Korea ang pamahalaang demokratiko dahil sa Amerika .
  • Mga Salik sa Pagsibol ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
    • Ang makabagong edukasyon na pumukaw sa damdamin ng mga mamamayan
    • Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • Ang kahirapan, pang-api, at kawalan ng katarungan ng mga mamamayan