Ang mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito
Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang.
Ang naging mamamayan ayon sa batas
Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kailangan gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas
sa pamamagitan ng naturalisasyon sa ibang bansa
expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan
panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon
paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa
pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito.