Q4 M2 Filipino P1

Cards (19)

  • TALAMBUHAY ni FRANCISCO BALTAZAR - Mas kilala bilang "Balagtas"
  • Francisco Baltazar Balagtas - Ay isang makata at manunulat. Siya ay kinilala ring "Ama ng Balagtasan". Itinuring rin si Balagtas na "Prinsipe ng makatang Tagalog", Ayon kay Mariano Ponce at Dr. Jose Rizal. Ayon kina Jose N. Sevilla at Tolentino, tinuran nila si Balagtas na isang dakilang "Makata ng wikang Tagalog at Hari ng Mang - aawit" dahil sa kanyang natatangi ang dalubhasang pagkakasulat ng Florante at Laura.
  • Siya ay kinilala ring?
    Ama ng balagtasan
  • Siya ay tinuturing rin?
    Prinsipe ng makatang tagalog
  • Siya ay tinuran rin bilang isang dakilang?
    Makata ng wikang tagalog at hari ng mang - aawit
  • Isinilang si Francisco Baltazar sa Panginay, Bigaa, Bulacan (ngayon ay Balagtas, Bulacan)
  • Pinanganak siya noong Abril 2, 1788 siya ang bunsong anak nina Juan Baltazar at Juana dela Cruz.
  • sino ang mga magulang niya?
    Juan Baltazar at Juana dela Cruz
  • Isang Panday ang kanyang ama at ang kanyang ina ay isang ordinaryong may bahay. Tatlo ang kanyang mga kapatid - sina Felipe, Concha at Nicholasa.
  • Sa murang edad ni Francisco Baltazar natutuhan niya ang Katon (Aklat - pagbaybay para sa nagsisimulang mag - aral), Kartilya (Panimulang aklat), at katesismo (pagtuturo at pag - aaral ng rehiliyon).
  • Ano ang Katon? 

    Aklat pagbaybay para sa naninimulang pag - aaral
  • Labing - isang taon si Kiko, ang tawag sa kanya, nung lumuwas ng Maynila at pumasok na isang utusan kay Donya Trining sa Tondo.
  • Pumasok siya sa Colegio de San Jose kung saan natutuhan niya ang canones o batas ng pananampalataya, wika, espanyol, latin. Isa sa naging guro niya si Padre Mariano Pilapil - ang sumulat ng pinakamagiting pasyon.
  • Sa pangyayaring ito, lalong sumikat si Balagtas. Madalas siyang panauhin sa patanungan, dupluhan at bigkasan upang tumula. Nangulimlim ang pangalan ni Huseng sisiw bilang makata.
  • Nang lumipat siya sa Pandacan nakilala ni Kiko si Maria Asuncion Rivera o Selya - isang anak mayaman. Sila'y nag - ibigan. Naging saksi sa pag - iibigan nila ang ilog Beata at ang ilog Hilom na lagi nilang pinamamasyalan. May mahigpit siyang karibal kay Selya, ang mayamang si Mariano Capule
  • Gumawa si Mariano ng paraan upang si Kiko ay maipabilanggo at mapasakaniya si Selya. Nagtagumpay si Mariano Capule, naipabilanggo niya si Kiko at nagpakasal sa kaniya si Selya. Sa tindi ng paghihinagpis sa sinapit na kabiguan, napagbalingan ni Kiko ang pagsulat ng tulang Florante at Laura. Inihandog niya ito sa babaeng pinakamamahal - Kay Selya
  • pagkaraan ng ilang taon, nakalaya si Balagtas. Nanirahan siya sa Orion, Bataan upang makalimot at magpanibagong buhay. Nanirahang siyang Tiyente Mayor at Huwes de Sementera. Lalo na rin niyang pinag ibayo ang pasusulat ng tula, awit, korido at komedya. Hanggang sa makilala niya si Juana Tiambeng, isang maganda, mayaman at batambatang dalaga. Nagpakasal silang dalawa sa kabila ng pagtutol ng magulang ni Juana kay Balagtas dahil sa agwat ng kanilang edad. Nagkaroon sila ng 11 na anak.
  • Noong Pebrero 20, 1862, namatay si Balagtas sa edad na 74. Bukod sa Florante at Laura, naisulat rin niya ang mga akdang "Almazor y Rosalina" , "Adbol y Miserena", "La India elegante y el Negrito Amate", "Orozman at Zafira", "Clara Belmori", "Mabomet at Constanza".
  • Ano ang naging trabaho niya?
    Tiyente Mayor at Huwes de Sementera