Kuwento, representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao
Ang mitolohiya ay nakatutulong upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang
Ang mitolohiya ay ipinaliliwanag ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig - tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy
Ang mitolohiya ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa
Ang mitolohiya ay hindi man kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap
Ang mitolohiya ay may kaugnayan sa teolohiya at ritwal
Ang mitolohiya ay mahalaga upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
Ang mitolohiya ay nagtuturo ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan
Ang mitolohiya ay mahalaga upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan
Mashya at Mashayana
Mito ng Pagkalikha mula sa Persia
Pagkalikha ng Mashya at Mashayana
1. Nagmula sa binhi ni Gayomart bago siya namatay
2. Lumago at mula sa kaniyang bangkay ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman
3. Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyana na tig-15 kambal na kumalat sa buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan
Liongo
Mitolohiya mula sa Kenya
Si Liongo ay isinilang sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya
Si Liongo ay nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar
Si Liongo ay malakas at mataas tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas
Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam na siya ay mamamatay kapag tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod
Si Liongo ay hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate
Nagtagumpay si Liongo sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kaunaunahang namuno sa Islam
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito
Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri at habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay
Tumakas si Liongo at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan
Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana
Nagkaroon ng isang lalaking nagtraydor at pumatay kay Liongo