ap

Cards (44)

  • Sektor ng paglilingkod
    Tinatawag ding tertiary sector, binubuo ng mga negosyo o serbisyo na nag-aalok ng mga intangible goods o mga produktong hindi nahahawakan
  • Mga halimbawa ng sektor ng paglilingkod
    • Retail
    • Insurance
    • Turismo
    • Pagbabangko
    • Entertainment
  • Pag-angat ng sektor ng paglilingkod sa nakaraang siglo sa mauunlad na bansa
  • Malaking bahagi ng ekonomiya ng mga bansang ito ang nakasalalay sa mga sektor ng paglilingkod
  • Inaasahan ang patuloy pang paglago ng sektor ng paglilingkod sa mga darating na panahon
  • Tertiarization
    Pag-angat ng sektor ng paglilingkod, bilang malaking bahagi ng ekonomiya ng isang bansa
  • Mga halimbawa ng mga gawain sa loob ng sektor ng paglilingkod
    • Pagtatrabaho ng mga tao sa isang pabrika o industriya
    • Pag-aalok ng serbisyong medikal para sa mga empleyadong may sakit
    • Pagbebenta ng mga subscription plan para sa internet, cable, at telepono
  • Mga katangian ng sektor ng paglilingkod
    • Product factors
    • Labor factors
    • Enterprise factors
  • Product factors

    • Magkaugnay ang produksiyon at pagkonsumo, hindi katulad ng mga tangible na produkto na maaaring maimbak, kailangang mas mabilis na makonsumo ang mga serbisyo
    • Kailangang maging handa ang sektor ng paglilingkod sa pagbibigay ng tuloy-tuloy na serbisyo
  • Labor factors

    • Magkaugnay ang produksiyon at pagkonsumo, nagiging mahirap paghiwalayin ang kakayahan ng mga manggagawa at ang serbisyong ipinagbibili sa pamilihan
    • Iba ang papel na ginagampanan ng service employees kumpara sa mga manufacturing industries, ang kita ng mga empleyado bilang service employees ay hindi nakabatay sa dami ng produktong kanilang naipagbili o naibenta, kung hindi sa uri o kalidad ng serbisyo at oras na inilaan nila para sa kanilang trabaho
    • Mas napauunlad ang mga indibiduwal na kakayahan sa sektor ng paglilingkod, dahil ang isang manggagawa ay nabibigyan ng mas malaking gampanin at exposure sa kaniyang trabaho
  • Enterprise factors
    • Malaking bahagi ng sektor ng paglilingkod ay binubuo ng mga Non-Government Organizations (NGOs) at mga volunteer na manggagawa, kaya naman maituturing na mas personal at individualistic ang sektor
    • Maituturing na mas mahalaga ang human capital kumpara sa physical capital sa sektor ng paglilingkod, mas nakatuon sa kalidad ng trabaho ang sektor na ito
    • Ang sektor ng panglilingkod ay hindi gaanong sensitibo sa pabago-bagong takbo ng ekonomiya, kung ito ay ikukumpara sa sektor ng industriya
  • Ang ekonomiya ng mga bansa ay unti-unti nang nagbibigay ng tuon sa pagpapaunlad ng sektor ng paglilingkod
  • Noong 2008, nasaksihan ng daigdig ang paglago ng industriya ng paglilingkod, kumatawan ito sa halos 50% ng Gross Domestic Product (GDP) ng mga papaunlad na bansa
  • Dahil sa patuloy na paglago ng sektor ng paglilingkod, ang mga manggagawang mula sa ibang sektor pang-ekonomiya, katulad ng sektor ng agrikultura at industriya, ay mas pinipiling magtrabaho na lamang bilang service providers
  • Bunga nito, mas maraming oportunidad at trabaho ang nabubuksan sa loob ng sektor ng paglilingkod, nakatutulong ito sa pagpapanatili ng full employment ng ekonomiya
  • Ang sektor ng paglilingkod bilang solusyon sa mga suliranin
    Ipinagbibili ang mga serbisyo, dahil may layunin itong mapadali ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao
  • Ang pag-aalok ng mga serbisyo bilang solusyon sa mga suliranin ng tao ay maituturing na kahalagahan ng sektor ng paglilingkod, sa pamamagitan nito ay napalalago ang kita at napauunlad ang ekonomiya ng bansa, at napadadali at napagagaan ang pamumuhay ng mga kumokonsumo
  • Ang sektor ng paglilingkod bilang produkto
    Ang mga serbisyong napapaloob sa sektor ng paglilingkod ay may kalakip na produkto na maaaring bigyang serbisyo nito, nagbubukas ng mas marami pang oportunidad para sa dalawang sektor, at nagagamit din ang mga nakalap na datos tungkol sa sektor ng paglilingkod upang makabuo ng mas magagandang estratehiya sa pangangsiwa o pamamahala na makatutulong sa pagpapaunlad ng produksiyon at paggawa
  • Ano ang mga katangian ng manggagawang Pilipino?
    Marunong makisama, mabilis matuto, masipag, maatikaso sa pamilya, at magiliw at palakaibigan.
  • Ano ang ibig sabihin ng "employed" sa konteksto ng trabaho sa Pilipinas?
    Mga taong iniulat na may trabaho, nagtatrabaho, o may negosyo kahit hindi nagtatrabaho sa kasalukuyan.
  • Ano ang ibig sabihin ng "at work" sa mga terminolohiya ng empleyo?
    Mga taong nagtatrabaho kahit isang oras lamang sa panahon ng survey.
  • Ano ang tinutukoy na "with a job or business but not at work"?

    Mga may trabaho o negosyo ngunit hindi nagtatrabaho sa tukoy na panahon dahil sa mga panandaliang pangyayari.
  • Ano ang "labor force" sa konteksto ng empleyo?
    Ang populasyon ng tao na may 15 taong gulang o higit pa na kasali sa paggawa.
  • Ano ang ibig sabihin ng "underemployed"?
    Mga taong nagtatrabaho ngunit may kakulangan sa oras o hindi sapat ang kanilang trabaho.
  • Ano ang "unemployed" ayon sa bagong depinisyon?
    Kasama dito ang mga may 15 taong gulang o higit pa na walang trabaho.
  • Ano ang kalagayan ng empleyo sa Pilipinas ayon sa 2018 Global Competitiveness Report?

    Ang Pilipinas ay pang-56 sa listahan ng 148 bansa batay sa lagay ng ekonomiya.
  • Ano ang Labor Market Efficiency (LME) at bakit ito mahalaga?
    Ang LME ay tungkol sa paglalagay ng mga manggagawa kung saan mas epektibo sila sa pag-angat ng ekonomiya.
  • Ano ang layunin ng National Wages and Productivity Commission (NWPC)?
    Gumawa ng mekanismo upang matukoy ang pinakamababang sahod sa lahat ng rehiyon sa bansa.
  • Ano ang mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE)?

    May iba't ibang programa at pag-aaral upang malutas ang problema sa kawalan ng trabaho ng mga Pilipino.
  • Paano nakakatulong ang Public Employment Service Office (PESO) sa mga naghahanap ng trabaho?
    Ang PESO ay nagsisilbing daan para mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino na naghahangad ng trabaho.
  • Ano ang Project Jobs Fit: The DOLE 2020 Vision?
    Isang proyekto na nagbibigay ng solusyon sa problema sa paghahanap ng trabaho ng mga Pilipino at aplikante ng mga kompanya.
  • Ano ang mga in-demand jobs sa Pilipinas?
    • Mga trabahong kinakailangan dahil sa madalas na pag-alis ng empleyado.
    • Mga trabahong may mataas na pangangailangan sa merkado.
  • Ano ang mga hard-to-fill jobs sa Pilipinas?
    • Mga trabahong nahihirapan ang mga kompanya na makahanap ng kwalipikadong empleyado.
    • Kadalasang walang aplikante para sa mga posisyong ito.
  • Ano ang Proyekto na isinagawa ng DOLE noong 2009?

    Project Jobs Fit: The DOLE 2020 Vision
  • Ano ang layunin ng Project Jobs Fit?
    Magbigay ng solusyon sa problema sa paghahanap ng trabaho ng mga Pilipino at aplikante ng mga kompanya
  • Ano ang ibig sabihin ng IN-DEMAND JOBS?
    Mga trabahong kinakailangan dahil sa madalas na pag-alis ng empleado o pagpalit ng tao
  • Ano ang HARD TO-FILL JOBS?
    Mga trabahong nahihirapan ang mga kompanya na makahanap ng kwalipikadong empleado
  • Ano ang epekto ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa sa ekonomiya ng Pilipinas?
    Ang kanilang kita ay nagiging dahilan ng magandang estado ng ekonomiya ng Pilipinas
  • Ano ang mga dahilan ng unemployment sa Pilipinas?
    Di tugmang edukasyon, frictional unemployment, bilang ng mga nagtapos ng kurso, kakulangan sa talento at kasanayan
  • Ano ang mga implikasyon ng kawalan ng trabaho sa lipunan at ekonomiya?
    1. Epekto sa kakayahang bumili ng mga tao
    • Bababa ang pangangailangan sa mga produkto
    • Bababa ang kita ng mga manggagawa
    1. Pagbawas ng suplay ay pagbawas din sa buwis na nakokolekta ng pamahalaan
    2. Maaaring magdulot ng pagtaas ng kriminalidad