kompan

Cards (124)

  • Paz, Hernandez at Peneyra
    ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin
  • Henry Allan Gleason Jr.
    isang lingguwista at propesor emeritus sa Univeristy of Toronto, Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
  • Cambridge Dictonary
    ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mgatunog, salita at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan.
  • Charles Darwin
    ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat.
  • 150
    wika at diyalekto sa pilipinas
  • 1934
    Dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba't ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong ---- ang pagpili sa wikang ito
  • 1935
    Ang pag susog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng ----
  • Norberto Romualdez
    Sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nag tatag ng surian ng Wikang Pambansa
  • Batas Komonwelt Blg. 184
    Pangunahing tungkulin nito ang "mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino."
  • Tagalog
    Napili nila ang ---- bilang batayan ng wikang Pambansa dahil ang naturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo.
  • Disyembre 30, 1937
    iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon
  • 1940
    Dalawang taon matapos mapagtibay ang kautusan Tagapagpaganap Blg. 134 nagsimulang ituro ang wikang Pambansa batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
  • Hulyo 4, 1946
    Ipinagkaloob ng Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong ---- ay ipinahayag na ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570.
  • Agosto 13, 1959
    pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula sa Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon noon.
  • 1972
    Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noon---- kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli ito ang mga nagging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV, Seksiyon 3, Blg 2.
  • 1987
    Sa Saligang Batas ng ---- ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad ito sa Artikulo XIV, Seksiyon 6.
  • Corazon Aquino
    Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong ---- sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye 1988. Ito ay "Nag-aatas sa lahat ng kagawaran,kawanihan,opisina, ahensya at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga tranksaksiyon,komunikasyon at korespondensiya.
  • wikang opisyal
    vAyon kay Virgilio Almario, ang ---- ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
  • wikang panturo
    Ang ---- ang opisyal na wikang gagamitin sa pormal na edukasyon.
  • Filipino
    wikang opisyal ng Pilipinas
  • DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC

    "ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang Wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural."
  • Ikatlong Wika
    ang wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang lumalawak ang kaniyang ginagalawang mundo dahil ito'y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
  • Pangalawang wika
    ang wikang natutuhan kasunod ang unang wika at karaniwang nagagamit sa kapaligiran ng sariling tahanan.
  • MTB-MLE
    ay gagamitin ang unang wika bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignaturang pangwika, samantalang ituturo din ang Filipino at ang Ingles bilang hiwalay na asignatura.
  • Bilingwalismo
    ang patakaran kung saan dalawang (2) opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng asignatura sa paaralan
  • Unang Wika
    ng tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang
  • Monolingguwalismo
    ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa. kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
  • Leonard Bloomfield (1935)

    ayon kay ---- isang Amerikanong lingguwista ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika.
  • John Macnamara (1967)

    kinontra ng pagpapakahulugan ni ----, isa pa ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwika maliban sa kaniyang unang wika.
  • Uriel Weinreich (1953),

    isang lingguwistang PolishAmerican, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan at matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng wikang ito ay bilingguwal.
  • bilingguwal
    Maituturing na ---- ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.
  • Balanced Bilingual
    ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap
  • Ponciano B.P. Pineda (2004:159)

    ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng kahilingang ipatupad ang patakarang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago pa umiral ang Martial Law. Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng Presidential Commision to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat maging katayuan ng Pilipino at ng Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
  • Duche at Tucker (1977),

    napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatutuo sa pangalawang wika.
  • ingles at filipino
    Sa kasalukuyan ito ang itinadhana ng Departa mento ng edukasyon upang gamiting wikang panturo sa kindergarten hanggang baitang 1-3?
  • Negrito

    Ayon sa kasaysayan, ang mga unang nandayuhan sa ating bansa ay ang mga ---- na nagmula sa Borneo.
  • Tunay na Negrito
    1. Namalagi sila sa kinamishasnan nilang tirahan

    2. Hindi sila nakakapangasawa ng ibang lahi at sila ay nanirahan sa kabundukan at kagubatan ng Bataan at Zambales.

    3. May ibang nanirahan sa Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Laguna at iba pa.
  • AUSTROLIDAD-SAKAI

    Sila ay mga taga Australia at Ainu Hilagang Hapon
  • PROTO- MALAYO (Tipong Mongoloid)

    1.Dumami ang lahi na ito sa bayan lalo na sa Luzon at Mindanao.
  • Otley Bayer
    Ayon kay -----, isang Amerikanong antropologo ang mga negrito ay tatagal lamang hanggang may kabundukan at darating ang panahon matutulad din sila sa mga lahi sa daigdig.