Filipino - Long Quiz (Kabanata 1 - 7 not included)

Cards (15)

  • El Filibusterismo - Ikalawang nobela ni Jose Rizal na isinulat bilang pagpapatuloy ng Noli Me Tangere.
  • Ang Ingles ng El Filibusterismo ay "The Reign of Greed"
  • Sinimulan ni Rizal na sulatin ang El Filibusterismo noong Oktubre 1887 sa Calamba, Ipinagpatuloy niya ang pag sulat sa London noong 1888. Pagtapos nito tinuloy niya yung nobela sa Paris, sunod sa Brussels kung saan kaunti ang distraksyon. At natapos niya ito noon Marso 29, 1891 sa Biarritz
  • Jose Alejandrino - Siya ang nag hatid ng manuskrito at rebisyon sa F. Meyer van Loo sa Ghent, si Alejandrino ay naging isang heneral ng rebolusyon sa Pilipinas at maaring unang taong nakabasa ng nobela bukod sa may-akda
  • Valentin Ventura - Kaibigan ni rizal na tumulong na tustusan ang paglathala ng nobela, Si Valentin ay ang nag alok ng tulong pinansyal para sa El Fili dahil siya ay nakonsensiya sa pangako niyang tulungan si Rizal sa una niyang aklat na walang naiambag si Valentin. Sa tulong ni Valentin, binigyan siya ni Rizal ng orihinal na manuskrito ng nobela panulat at isang nilagdaang kopya ng nakalimbag
  • Jose Basa - Siya ang dinalhan ni Jose Rizal ng liham noong Hulyo 9, 1891 na sabing "Sa nagdaang tatlong buwan ay hindi ako nakatanggap ng isa man lamang sentimo, kaya't isinanla ko lahat ng mayroon ako upang maipalambag ang nobelang ito. Patuloy kong ilalathala ito hangga't maari; at kung wala na akong maisangla ay saka ako hihinto..."
  • kahit nakatulong si Ventura, kinailangan paring paiikliin ni Rizal ang nobela kaya tinanggal niya ang 47 buong pahina sa 279 na pahinang manuskrito upang makatipid ng gastusin (Ocampo, p. 111) Kaya, ang nalimbag na El Fili na lumabas sa kalagitnaan ng Setyembre 1891 ay binubuo lamang ng 38 na mga kabanata kumpara sa 64 ng Noli
  • Noong 1925 binili ng gobyerno ng Pilipinas ang Manuskrito ng El Fili mula sa mga Ventura sa isang malaking halagang 10,000 piso (Zaide, p. 194) Makikita ang kopya sa Pambansang Aklatan (National Library)
  • Ang Filibusterismo sa pamagat ng nobela ay nag mula sa salitang "filibustero" Tinukoy ni Rizal ang salitang "filibustero" sa kaniyang kaibigan na si Ferdinand Blumentritt
  • Ang salitang filibustero sa kontekso ay nangangahulugang sabersibo, oposisyon, rebolusyonaryo, mapang himagsik, mapanupilm at taksil.
  • Gomburza - Ang tatlong paring Pilipinong makabayan na inakusahan na filibustero at kalaunan ay binitay.
  • Gomburza - ang bumubuo nito ay si Don Mariano Gomez, Don Jose Burgos, at Don Jacinto Zamora
  • Mababasa sa dedikasyon na: "Sa alaala ng mga pari, si Don Mariano Gomez(85 taong gulang), Don Jose Burgos(30 taong gulang), at Don Jacinto Zamora(35 taong gulang). Binitay sa Bagumbayan noong Ika-28 ng Pebrero, 1872. May karapatan akong ilaan ang aking gawain sa inyo bilang mga biktima ng kasamaan na aking nilalabanan..."
  • Pinagbabawal sabihin ang Cavite, Burgos(isa sa mga binitay na pari)
  • Nagkamali si Rizal sa paglalagay ng edad ng mga pari at ang petsa ng kanilang pagbitay. Sa kanilang pagiging martir sa ika-17(Hindi ika-28) ng Pebrero, 1872, si Gomez noon ay 73(Hindi 85), si Burgos ay 35(Hindi 30) at si Zamora ay 37(Hindi 35)