AP 10: 4th Monthly

Cards (28)

  • Karapatang Pantao
    Lipon ng mga karapatan na dapat matamo ng bawat tao anuman ang kanyang katayuan sa buhay, sino man siya, basta't siya ay nabubuhay
  • Karapatang pantao ayon sa kagawaran ng edukasyon
    Karapatang tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang
  • Karapatang pantao ayon sa United Nations Human Rights Council
    Ito ay tumutukoy sa karapatan na likas sa tao anuman ang kanyang nasyonalidad, kasarian, etc.
  • Ayon sa Seksiyon 1 ng Artikulo III, sinasabing
    Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
  • Uri ng Karapatang pantao
    • Karapatang sibil
    • Karapatang politikal
    • Karapatang Sosyal at Kultural
    • Karapatang Pangkabuhayan
  • Karapatang Sibil
    Karapatang dapat matamasa ng tao upang siya'y mabuhay nang mapayapa at malaya. Sakop nito ang pagkakaroon ng pantay na trato.
  • Karapatang Politikal
    Karapatan ng mga tao na sumali sa proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan o bansa. Kabilang dito ang karapatang bumoto ng mga opisyal ng gobyerno at sumali sa mga reperendum at plebesito. Karapatang magkaroon ng kaalaman sa paggastos ng gobyerno
  • Karapatang Sosyal at Kultural
    Karapatan ng tao na magawa ang mga bagay na makakapag unlad ng kanyang sarili. Sakop nito ang ang karapatan na magtamo ng maayos na sistemang pangkalusugan, edukasyon, transportasyon, libangan, paggalang sa paniniwala at relihiyon
  • Karapatang Pangkabuhayan
    Jarapatan na tumutukoy sa pagkakaroon ng maayos na pamumuhay at disenteng pagkakitaan upang maging mabuting mamamayan ng bansa.
  • 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
    Batayang ligal ng karapatang pantao ng mga pilipino ay binibigyang proteksyon nito
  • Maraming kaso nito sa bansang Hapon
    Maraming kaso ng woman trafficking sa bansang hapon
  • United Nations International Children's Emergency Fund
    ano ang UNICEF
  • Pangulong George W. Bush
    Maraming kasong paglabag sa karapatang pantao ang naitala naitala sa Estados Unidos sa pamamahala ni?
  • Democratic Republic of COngo
    Maramiing mamamayan nito ang nakaranas ng torture
  • Gloria Macapagal Arroyo

    May mga kasong Extrajudicial Killing na naitala sa Pilipinas sa pamumuno ni?
  • Extrajudicial Killing
    TUmutukoy sa pagpatay ng isang tao sa labas ng sistemang ligal o nang walang kautusan galing sa hukuman
  • Maaari ring matawag na Extrajudicial Killing ang pagpatay na isinagawa ng isang pribadong grupo o vigilante dahil nananatili itong hindi batay sa batas
  • Paglabag sa karappatang pantao sa ilalim ng administrasyong Marcos na kung saa'y libo-libong Pilipino ang naitalang bigla na lamang nawala (Desaparecidos) at mababalitaang patay na
  • Mula 1975 hanggang 1985, umabot sa 3,257 ang naitalang extrajudicial killings, 35k ang pinahirapan (torture), 70k ang nakulong, at 737 naman ang nawala
  • Ayon sa Bureau of Secondary Education ng Kagawaran ng Edukasyon
    ang anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa karapatang pantao
  • Iba't ibang anyo ng paglabag ng karapatang pantao
    1. Pisikal na Paglabag
    2. Sikolohikal at Emosyonal na Paglalabag
    3. Estruktural na Paglalabag
  • Pisikal na Paglalabag
    Pisikal na pangangatawan ang nasasaktan. Kabilang na dito ang pangbubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol ng anumang parte sa katawan, at seksuwal na pananakit o pananamantala
  • Batay sa ulat ng Pinoy weekly galing sa datos ng PNP, may 5180 kaso na panggagahasa noong 2012
  • 7 sa 10 na biktima ay bata
  • 14 na babae o bata ang biktima ng panggagahasa o incest araw-araw
  • ISang babae o bata ang sinasaktan bawat 34 na minuto
  • Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag
    Pisikal na paglabag sa karapatng pantao, Ang pisikal na pang aabuso ay nagdudulot ng trawma, takot, o pagkabalisa sa isang tao, kaya nama'y lumiliit ang tingin niya sa sarili. Sakop nito ang pagsasalita ng masama sa isang indibidwal. Kabilang na din dito ang Pagmamanman o stalking, paninira ng ari-arian, at pagmamaliit o pamamahiya sa pampublikong lugar
  • Estruktural na paglabag
    Kadalasang biktima nito ay ang mga taong walang kakayahang mapaunlad ang kanilang sarili dala ng kalunos-lunos na katayuan sa buhay. May pagkakataon na nagsisimula ang paglabag na ito sa paaralan o tahanan