A,P aralin 3

Cards (16)

  • Kilusang Propaganda
    Itinatag pagkatapos bitayin ang tatlong paring martir. Inilunsad ng mga Ilustrado ang isang mapayapang kampanya na humihingi ng pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas.
  • Mga Layunin ng Kilusang Propaganda

    • Ang pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at mga Pilipino
    • Pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya
    • Pagkakaroon ng Pilipinas ng kinatawan sa Korte ng Espanya
    • Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas
    • Pagkakaroon ng mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, at pagtitipon
  • Mga Propagandista
    Ginamit nila ang kanilang karunungan at husay sa panulat upang ilahad ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol
  • Ang mga propagandista ay gumamit ng mga sagisag o alyas sa pagsusulat upang itago ang kanilang tunay na katauhan at mapangalagaan ang kanilang kaligtasan mula sa pag-usig ng mga Espanyol
  • Graciano López Jaena
    Isang mahusay na manunulat at mananalumpati. Siya ang may-akda ng Fray Botod at La Hija del Fraile na kapuwa naglalaman ng mga pagtuligsa sa mga tiwali at mapang-abusong mga prayle. Itinatag niya ang La Solidaridad-ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
  • Mga Layunin ng La Solidaridad
    • Isiwalat ang kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol
    • Isulong ang isang mapayapang pagbabagong politikal at panlipunan sa Pilipinas
    • Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran
    • Palaganapin ang liberal na kaisipan
  • Marcelo H. Del Pilar
    Tinaguriang "Ama ng Masonerya sa Pilipinas." Naging patnugot din siya ng La Solidaridad. Itinatag niya ang Diariong Tagalog-isang pang-araw-araw na pahayagan na tumuligsa sa mga katiwalian at kasamaan ng mga Espanyol.
  • Dr. Jose Rizal
    Kabilang din sa Kilusang Propaganda at gumamit ng sagisag na "Loong Laan" at "Dimasalang" sa kaniyang pagsusulat. Higit siyang naging bantog dahil sa kadakilaan ng kaniyang dalawang nobela ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
  • Mahigpit na ipinagbawal ng mga Espanyol ang pagbasa ng mga nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Sinunog at sinira nila ang bawat sipi nito at pinarusahan ang sinumang mahuli na nagbabasa ng mga ito.
  • Ang iba pang mga propagandista katulad nina Mariano Ponce, Antonio Luna, Juan Luna, Felix R. Hidalgo, at Jose Maria Panganiban ay buong tapang na nagsulat tungkol sa kaapihang dinadanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan.
  • Ang pagsisikap ng mga kasapi ng Kilusang Propaganda na makamit ang pagbabago ay hindi nagtagumpay sapagkat kinulang sila sa pondo upang tugunan ang mga pangangailangan sa pagpapalimbag.
  • Hindi man nakamit ng kilusan ang kanilang mga layunin, kumintal naman sa isipan ng maraming Pilipino ang tunay na diwa at mensahe na ipinaabot ng mga propagandista.
  • La Liga Filipina
    Isang samahan na nag-aanyaya sa lahat ng mga Pilipinong nagnanais ng pagbabago at nagmamahal sa bayan.
  • Mga Layunin ng La Liga Filipina
    • Pag-isahin ang mga Pilipino
    • Pagtulong-tulungan ng mga Pilipino na ipagtanggol ang lahat mula sa karahasan, katiwalian, at kawalan ng katarungan
    • Mapaunlad ang edukasyon, agrikultura, at komersiyo
    • Pag-aaral at pagsasakatuparan ng mga pagbabago
  • Noong Ika-6 Hulyo, 1892, ipinahuli nila si Dr. Jose Rizal at ipinatapon sa Dapitan. Ang pangyayaring ito ang naging sanhi ng pagkawasak ng samahan.
  • Ang pagpapatapon kay Dr. Jose Rizal sa Dapitan ay nagdulot nang matinding pagnanais ng mga Pilipino na tuluyang labanan ang mga Espanyol. Nagising ang kanilang diwang makabayan at naghangad ng pagbabago sa iba pang pamamaraan.