Free press o malayang palimbagan ay naipalaganap ang konsepto ng nasyonalismo sa mga pamayanan sa iba't ibang bahaging daigdig.
Maituturing ang nasyonalismo bilang isang mahalagang kasang kapan para sa pagpapahayag ng mga damdamin ng pagkamakabayan, kalayaan, at pagkakapantay-pantay ng lahat ng mamamayan sa isang lugar.
Inilagda ng mga bansang kasangkot dito ang Kapayapaan sa Westphalia noong 1648 at nagkasundo sila na irerespeto ng bawat isa ang teritoryo at ang kapangyarihan sa sariling pamahalaan ng bawat bansa.
Dahil sa soberanya, nagbuo ang pagnanais ng mga mamamayan sa pagsasarili at kalayaan mula sa mga dayuhang nais sumakop sa kanila.
Sa panahon ng pamumuno ni Napoleon Bonaparte, ang mga mamamayan ay nanatiling magkakawatak. Dahil sa pagnanais na mamuno sa Europa ni Napoleon, nilusob at sinakop niya ang maraming kaharian upang makuha niya ito para sa mga mamamayan ng Pransya.
Namatay si Napoleon noong 1821.
Si von Bismarck ay isang mahalagang tauhan para sa pagpapalaganap ng kapangyarihan ng Germany sa Europa sa bandang huling dekada ng 1880 at 1890.
Noong 1871 naman ay nag-alsa muli ang mga tao para sa iisang kaharian ng
Germany. Ito ay unang pinamunuan ng isang emperador na pinuno ng pamahalaan na si Wilhelm I at isang Punong Ministro na pinuno ng pamahalaan na si Otto von Bismarck.
Prinsipyo ni von Bismarck na realpolitik o pakikipagkasundo sa ibang bansa batay sa mga pangangailangan ng bansa kaysa mga paniniwala.
Pagkatapos ng Kongreso ng Vienna, nagkaroon ng pag-aalsa mula sa mga mamamayan sa pangunguna ng mga carbonari o mga
tagasunog ng uling. Sila ay isang maimpluwensyang pangkat na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga monarkiya sa dating teritoryo ng Imperyong Romano.
Pagdating ng 1820 ay nag-alsa sila laban sa monarkiya ng Naples na pinamunuan ni Haring Ferdinand I ng Kaharian ng Naples.
Dahil sa rebolusyon para sa kalayaan at pagkakaisa ng Italya, napag-usapan ng mga kahariang ito na magkaisa upang mabuo ang nagkakaisang Kaharian ng Italya noong 1861 at nailuklok si Haring Victor Emmanuel II bilang hari ng Italya.
Nang bumaba sa puwesto si Napoleon noong 1815, iniluklok muli ng mga miyembro ng monarkiya ang isang panibagong hari sa katauhan ni Haring Louis XVIII hanggang
1824.
Naging mahalgang kaganapan ang pamumuno ni Louis-Philippe I sa bansadahil naganap sa kanya ang sari-saring pagbabago sa pamahalaan ng Pransya na nagdulot ng masidhing pag-alab ng nasyonalismong Pranses dahil sa kanilang pag-ibig para sa malayang pamumuno sa kanilang bansa.
Haring Charles X, ang pumalit kay Haring Louis XVII. Noong 1830 ay pinatalsik siya ng mga mamamayan at hinirang na maging kapalit si Louis-Philippe I.
Ang ipinalit nila sa pamumuno ng bansa ay ang Pangulo at ang inhalal ay ang pamangkin ni Napoleon na si Louis-Napoleon Bonaparte. Namuno siya sa bansa bilang pangulo hanggang 1852.
Sa panahon ng Age of Enlightenment, ang monarkiya ng Espanya ay naimpluwensyahan ng mga kaisipan mula sa mga bansang Pransya, Germany, at Gran Britanya.
Nang sumali sila sa Kongreso ng Vienna noong 1814, nailuklok ang isang panibagong pinuno ng monarkiya na si Haring Ferdinand VII. Ang marahas niyang pamumuno sa bansa ay nagdulot ng maraming pag-alsa laban sa kanya mula 1815 hanggang 1833.
Sa pagtatapos ng pamumuno ni Haring Ferdinand VII pumalit sa kanya ang anak niyang si Isabella II na namuno hanggang 1868. Winakasan ang pamumuno ng monarkiya noong 1873, ngunit nanumbalik ito noong 1874 sa ilalim ni Haring Alfonso XII.
Ang pangunahing salik dito ay ang pagbubukas ng Suez Canal noong na nag-uugnay sa Mediterranean Sea at ang Red Sea na nagpabilis sa kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
Ang dalawang uri at paraan na ito ng nasyonalismong Pilipino ay nagbunga nang tuluyang umalis ang mga Espanyol at manalo ang puwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.
Pagkatapos ng 333 taon ng pamamayagpag ng Espanya ay nagawa namang sakupin ng Estados.
Unidos ang bansa at naipasailalim ito sa prinsipyo ng benevolent assimilation at pasipikasyon upang masugpo ang anumang damdaming nasyonalismo sa mga mamamayan.
Nag-alsa ang mga miyembro ng isang kilusang kontra sa Kanluranin na tinawag na Boxer mula 1898 hanggang 1900, na tinalo naman ng pamahalaan. Nabuksan na rin sa impluwensyang mga Kanluranin ang bansa dahil sa Open Door Policy ng Estados Unidos noong 1899.
Matapos magapi ng mga Briton ang mga Tsino sa Unang Digmaang Opyo ay nagkaroon pang pangloob na suliranin ang Tsina sa pag-aalsang isang pangkat na pinamumunuan ni Hung Hsiu-chuan mula sa Banal na Kaharian ng Taiping. Tinawag ang rebelyong ito bilang Rebelyong Taiping na nagtagal mula 1850 hanggang 1864.
Noong 1912 ay nagwagi ang kanyang puwersa dahil pinatalsik nila ang kahuli-huliang emperador ng Tsina na si Henry Pu Yi, ang pamangkin ni Empress Dowager Cixi.
Sa tagumpay ni Henry Pu Yi ay naitatag niya ang partidong Kuomintang o KMT na magtatatag ng isang republikano at demokratikong pamahalaan sa bansa.
Sa pangunguna ni Dr. Sun Yat-sen, isang doktor na nakatanggap ng edukasyon mula sa Estados Unidos, namulat ang mga Tsino sa mga kaisipan ng kalayaan at kasarinlan.
Sa ilalim ng pamahalaang militar na pinangungunahan ng gobernador-heneral ay mga sundalong Hindu at Muslim na tinatawag na sepoy.
Ito ang unang pagkakataong nagkaisa ang mga Indyano laban sa mga Kanluranin. Isa ito sa mga dahilan kung bakit direktang pinamamahala ng kaharian ng Gran Britanya ang bansa noong
1858. Tinawag ang bansa bilang British Raj o Imperyo ng Briton sa India.
May ilang mga mag-aaral ang nakapag-aral sa Europa at namulat sa mga makabagong kaisipan tungkol sa pamamahala. Isa na dito si Surendranath Banerjee. Ang kanyang mga kaisipan tungkol sa pagsasarili at malasariling pamamahala ng bansang India ay naging daan upang mabuo ang Partido Nasyonalista ng bansa.
Nabuo ang Indian National Congress noong 1885. Ito ay isang Kongresong binubuo ng mga edukadong Indyano na naniniwala sa kalayaan ng India mula sa mga Briton.
Ang isang pagkakataon ng pagpapahayag ng nasyonalismo ng mga Indyano ay naganap sa Amritsar noong 1919 nang mapayapang magprotesta ang mga mamamayan doon dahil sa mahal na pananamit ng mga Briton. Ito ang nagtulak sa militar na gumamit ng dahas laban sa kanila. Mahigit 300 ang namatay na mga sibilyang nagprotesta.
MohandasK.Gandhi na kilala sa tawag na "Mahatma" o "dakilang kaluluwa" na mag-alsa laban sa mga Briton sa mapayapang paraan.
Ang isang natatanging paraan ng nasyonalismong isinulong niya ay sa pamamagitan ng satyagraha o "puwersa ng katotohanan"
Pinatay si Gandhi noong 1948.
Itinuring si Gandhi bilang isa sa mga pinakamahalagang instrumento ng nasyonalismong Indyano sa kasaysayan ng bansa.