pagbasa

Cards (29)

  • Sosyo-Kognitibong Pananaw
    • Pagsulat ay kapwa isang Sosyal at Mental na aktibiti
    • Sosyal na gawain - isinasaalang-alang ang mga mambabasa at kanilang magiging reaksyon
    • Mental na gawain - ginagamit ang isipan sa pagsusulat
  • Komunikasyong Intrapersonal at Interpersonal
    • Intrapersonal - may mga pagkakataon na tila kinakausap natin ang ating sarili
    • Interpersonal - nagagawa nating makipag-usap sa ating mga mambabasa
  • Multi-Dimensiyonal
    • Personal na gawain - nakatutulong sa pag-unawa ng sariling pananaw at emosyon
    • Sosyal na gawain - nakatutulong upang magampanan ang mga tungkulin sa lipunan
    • Biswal na dimensyon - nakabubuo tayo ng mga larawan sa isipan gamit ang imahinasyon
    • Oral na dimensyon - nalalaman natin ang pagkatao ng manunulat
  • Proseso ng Pagsulat
    1. Pre-writing - pagpili ng paksa, pagkuha ng datos
    2. Actual Writing - pagsusulat ng burador o draft
    3. Rewriting - pagrerebisa, pag-eedit ng isinulat
  • Pagkuha ng mga datos na kailangan para sa ating napiling paksang isusulat
    Paghahanda pa lamang sa pagsulat, walang pagsusulat pa
  • Actual Writing
    1. Nagsisimula nang magsulat
    2. Paggawa ng burador o draft
  • Rewriting
    1. Pagrerebisa ng ginawang burador o draft
    2. Pag-eedit ng isinulat batay sa wastong grammar, bokabulari, pormat, gamit ng salita, baybay at bantas
  • Kapag naisagawa nang maayos ang mga hakbang, makagagawa ng isang maganda at maayos na sulatin at masisiguro ang pagiging epektibo nito
  • Layunin ng pagsulat
    Bakit nagsusulat ang isang tao, nagiging gabay kung anong uri ng sulatin ang isusulat
  • Mga layunin ng pagsulat
    • Ekspresibo
    • Transaksyunal
    • Impormatibo
    • Mapanghikayat
    • Malikhain
  • Layuning Ekspresibo
    Nagsusulat upang ipahayag ang sarili, damdamin at iniisip
  • Layuning Ekspresibo
    • Pagsusulat ng liham para sa taong lihim mong minamahal
    • Pagsusulat ng mga tula
  • Layuning Transaksyunal
    Nagsusulat upang makipag-ugnayan sa iba pang mga tao sa lipunan
  • Layuning Transaksyunal
    • Pagsusulat ng mga liham pangangalakal o request letter
    • Pagsusulat ng Application Letter
  • Impormatibong pagsulat
    Naglalayong magbahagi, magpaliwanag at maghayag o maglahad ng mga impormasyon
  • Impormatibong pagsulat
    • Mga aklat na ginagamit ng mga guro o mag-aaral sa pagtuturo o pag-aaral
  • Mapanghikayat na pagsulat
    Naglalayong mangumbinsi ng mga mambabasa
  • Mapanghikayat na pagsulat
    • Mga flyers na ipinamimigay ng mga mangangalakal
    • Mga posisyong papel
  • Malikhaing Pagsulat
    Naglalayong magpahayag ng mga kathang-isip, imahinasyon, ideya o damdamin ng isang manunulat
  • Malikhaing Pagsulat
    • Mga Alamat, tula, nobela at iba pang akdang-pampanitikan
  • Mga uri ng pagsulat
    • Akademiko
    • Jornalistik
    • Reperensyal
    • Propesyunal
    • Malikhain
  • Akademiko
    Uri ng pagsulat na may layuning pataasin ang antas o kalidad ng kaalaman ng isang tao
  • Akademiko
    • Mga Papel-pananaliksik, mga sanaysay, tesis, disertasyon, term paper
  • Jornalistik
    Pampamamahayag na uri ng pagsulat, ginagamit ng mga mamamahayag o Journalist
  • Reperensyal
    Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sanggunian ng impormasyon hinggil sa isang paksa
  • Reperensyal
    • Bahaging "Related Literature or Studies" ng isang pananaliksik
  • Propesyunal
    Uri ng sulatin na nakatuon sa isang ekslusibo o tiyak na impormasyon, nakatutulong sa pag-handa sa isang propesyon
  • Malikhain
    Masining na uri ng pagsulat, kakikitaan ng mga idyoma, tayutay, mga simbolismo, nakatutulong sa paglinang ng imahinasyon
  • Malikhain
    • Mga Nobela, Alamat, Tula