Pagkamamamayan

Cards (84)

  • Ang konsepto ng pagkamamamyan ay nauugat sa kabihasnang Griyego. Sa panahon ni Pericles na kung saan iginagawad lamang ang estado ng pagiging mamayan sa kalalakihan.
  • Ang pagkamamamayan ay naging batayan na ng legalidad.
  • Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa katayuan ng isang tao sa isang estado at pagiging kasapi nito.
  • Ang mga mamamayan ng isang nasyon ay may direktang relasyon sa isang estado.
  • Ang mga mamamayan ay ginagawaran ng estado ng karapatan at tungkulin habang ang mga mamamayan ay inaasahang gumawa ng mga responsibilidad at mga tungkulin  para sa ikabubuti ng estado ng kanyang kinabibilangan.
  • Nakasulat sa Saligang Batas ng Pilipinas ang mga batayan upang ang isang tao ay maituring na mamamayan ng Pilipinas, at ito ay mahahanap sa Artikulo IV, Seksyon 1 - 5. 
  • Ang Jus Sanguinis ay naaayon sa dugo ng mga magulang ng isang bata mula sa kanilang magulang o isa man sa kanila. Maari isa o dalawa lamang ang maging mamamayan na Pilipino ng magulang. Ito ang prinsipyo na sinusunod ng Pilipinas. 
  • Ang Jus Soli ay naaayon sa lugar na kapanganakan ng isang bata, anoman ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa Estados Unidos. 
  • Ang mga sumusunod ay ang mga balidong rason kung bakit nawawala ang pagkamamamayan ng isang Pilipino:
    1. sa pamamagitan ng naturalisasyon sa ibang bansa;
    2. expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan;
    3. panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon;
    4. paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa;
    5. pag-aasawa ng mga dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito.
  • Naturalisasyon ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan. 
  • Ang mga mamamayan na sumailalim sa bisa ng naturalisasyon ay tinatawag na naturalisado.
  • Repatriation ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang pagkamamamayanAng tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang pagkamamamayan
  • Aksyon ng Kongreso o ang pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino.
  • Pagpapatawad ng gobyerno sa pagtakas sa hukbong sandatahan ng ibang bansa ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.
  • Ang mga mamamayan ay kinakailangan na makipagtulungan sa pamahalaan upang makamit ang minimithing kaunlaran sa bansa.
  • Ang sibika ay tungkol sa pagiging mabuting mamamayan sa bansa. 
  • Ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga halal na opisyales upang magbigay ng suhestiyon o panayam o kaya naman ay pagsuporta sa mga proyekto, inisyatibo, at gawain ng pamahalaan.
  • Ang kahulugan ng akronim na NAMFREL ay National Citizens' Movement for Free Elections.
  • Ang NAMFREL ang kauna-unahang kilusan na kinilala ng Commission on Elections at nagsilbing tagabantay ng mga boto. Ito ay nabuo noong 1984 nang ganapin ang snap election sa pagitan ni Marcos at Aquino.
  • Ang kahulugan ng akronim na PPCRV ay Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
  • Ang PPCRV ay isa ring kilusan na naglalayong bantayan ang sagrado ng balota at nabuo noong 1991 sa ilalim ni Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang tugon sa pamahaalan sa pagtulong sa pagsulong ng demokrasya.
  • Makabansa
    Isa sa mga katangiang kailangan taglayin ng bawat mamamayan. Ang bansang Pilipinas ay ang nasyon na nagbubuklod sa ating mga Pilipino at dapat sikapin ng bawat mamamayan ang kabutihang panlahat na makatutulong hindi lamang sa kapwa kundi pati na rin sa bansa.
  • Tapat sa Bansa
    Kailangan na maging tapat at makatotohanan ang ating paglilingkod sa ating bansa bilang mamamayang Pilipino.
  • Handang Ipagtanggol ang Estado
    Bilang mamamayang Pilipino, tayo ay may tungkulin at responsibilidad na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas laban sa mga nais sumakop dito.
    • Ito ay nakasaad sa Saligang Batas, Artikulo II, Seksyon 4.
  • Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang Batas ng Pilipinas
    • Tungkulin ng bawat Pilipino na sundin ang mga prinsipyo at batas upang manatili ang mapayapa’t matiwasay na lipunan. 
  • Nakikipagtulungan sa Gobyerno
    Kinakailangan na makipag-isa ang mga mamamayan sa gobyerno upang maiangat ang estado ng buhay ng mga kapwa Pilipino at bansa.
  • Pagtangkilik sa Sariling Produkto
    Ang pagsuporta’t pagbili sa mga produktong gawang-Pinoy o gawa sa Pilipinas ay makatutulong sa pag-unlad ng ating ekonomiya ayon sa batas ng demand.
  • Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at Sakuna

    Namamayani sa mga puso’t isip ng mga Pilipino ang espiritu ng bayanihan sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad o sakuna sa mga naapektuhan nito.
  • Makatao
    Bilang isang mamamayan ng bansang mapagmahal, kinakailangan na isulong at siguraduhin na napapanatili ang pantay na karapatan sa bawat isa. Ito ay nagpapakita ng pagrespeto sa karapatang pantao, dignidad, at kapakanan ng bawat isa.
  • Produktibo
    Ang pagiging masipag at matiyaga ay inaasahan sa bawat Pilipino sapagkat ito’y katangian na napamana sa atin ng ating mga ninuno.
  • Produktibo
    Ang pagiging matiyaga sa paggawa ng ating mga tungkulin ang siyang magtataguyod sa kaunlaran sa ating bansa.
  • May Lakas ng Loob at Tiwala sa Sarili
    Ito’y katangian na kailangan taglayin ng isang Pilipino kung nais niyang magtagumpay sa kanyang mga minimithi sa buhay.
  • Matulungin sa Kapwa
    Ang pagtutulong sa kapwa ay isang hudyat na walang pinipiling panahon ang pagiging mabuting mamamayan.
  • Makatuwiran
    Isinaalang-alang ng isang mamamayang Pilipino ang kapakanan at gampanin ng bawat isa. Siya’y kumikilos na naayon sa itinakdang gawain sa kanya ng batas.
  • Makasandaigdigan
    Ang isang mamamayan ng isang bansa ay siya ring mamamayan ng mundo. Isinasaalang-alang niya ang kapakanan at tungkulin niya sa estado kundi pati na rin kung paano makatutulong sa mga isyung tampok sa daigdig.
  • Ang salitang politika ay hango mula sa salitang Griyego na polis na nangangahulugang may gawain sa lungsod-estado.
  • Ang salitang pakikilahok ay galing naman sa salitang Latin na participatio na nangangahulugang makisali o makibahagi.
  • Ang politikal na pakikilahok ay ang gawain ng mga tao sa pamamahala ng lungsod-estado o bansa.
  • Ang tuwirang pakikilahok ng mga mamamayan ay nakakamit kapag ito’y direktang nasasabi ang mga hinaing, suhestiyon, at komento sa namamahalang opisyales sa kanilang lugar.
  • Ang di-tuwirang pakikilahok ay ang kagustuhan ng mga mamamayan ay napararating sa mga nais nilang kumatawan sa gobyerno sa pamamagitan ng paghalal ng mga politikang magsisilbing boses para sa kanila.