module 1

Cards (17)

  • Filipino
    Wikang pambansa ng Pilipinas, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan
  • Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba't ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino
  • Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika
  • Idekonstrak natin ang probisyong ito
    1. Una: malinaw ang itatawag sa wikang pambansa ng Pilipinas, at ito ay FILIPINO
    2. Ikalawa: ito'y wikang nasa proseso ng paglilinang
    3. Ikatlo: may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang ito: Ang umiiral na wika o diyalekto sa ating bansa, Iba pang wika o wikang dayuhan
  • Filipino bilang Wikang Pambansa
    Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag
  • Ang wika ay buhay at dahil nga buhay ito, ito ay dinamiko
  • Panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika
    Totoong nanghihiram ang wika natin sa di – katutubong wika o mga dayuhang wika, lalo na para sa mga konseptong walang direktang katumbas sa ating wika. Ngunit kaiba sa karniwang panghihiram, ang panghihiram ng wika ay inaari na rin nating sariling atin ang salitang ating hiniram
  • Kapag ang mga salita ay nagmula sa Mindanao, Katimugang Luzon o sa Visayas, hindi iyon hiniram ng Filipino dahil sa atin din nagmula iyon. Samakatuwid, mas mainam na gamitin ang salitang pagaambag sa halip na panghihiram
  • Ang Filipino ay hindi Pilipino na batay sa Tagalog. Ngunit kailangang linawin na hindi rin ito ipinanukalang amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika
  • Tagalog
    Isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog
  • Pilipino
    Salitang pumasok noong 1959 bilang wikang pambansa, bunga ito ng kalituhan naidulot ng pagbatay ng wikang pambansa sa wikang Tagalog na isang pagkakamali
  • Ang Pilipino ay Tagalog din sa estraktura at nilalaman, kaya ito ay itinututring na isang mono-based national language. Naging labis rin na purista ang mga taliba noon. Wala noong pagkakataon ang mga di tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino
  • Ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi nagmula sa Ingles na Filipino na tinatawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas. Hindi rin akomodasyong pampolitika ang pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa Filipino
  • Kinailangang gawin ang pagpapalit mula sa P tungo sa F, dahil sa modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika
  • Wikang Filipino
    Pambansang Lingua Franca, nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan lalo na sa siyudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang sariling katutubong wika. Dahil nga lingua franca at pangalawang wika, nakabubo ng barayti nito bunga ng impluwensiya ng ating kanikanyang unang wika sa paggamit nito
  • Ang ating Wikang Filipino ay napakaraming pinagdaan bago ito nagging ganap na Wikang Pambansa
  • Mga katanungan
    • Ano ang papel ng wikang Filipino sa iyong pagkatao?
    • Bilang isang mag-aaral, bakit kinakailangan mong makiisa upang patuloy na linangin ang ating wikang Filipino?
    • Sa paanong paraan mo maipapakita na ikaw ay mayroong ambag sa pagpapanatiling buhay ng ating wikang Filipino?
    • Bakit sinasabing "magkakamag-anak" ang mga wikang katutubo ng Pilipinas?
    • Bakit hindi Ingles ang naging wikang katutubo ng Pilipinas?