Filipino

Cards (49)

  • Pahayagan
    Isang uri ng limbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas at kadalasang inilimbag sa mababang halaga
  • Komiks
    Makulay at popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa mga mambabasa, nagtuturo ng iba't ibang kaalaman at nagsusulong ng kultura
  • Magasin
    Publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento, larawan, anunsyo at iba pa na kalimitang pinopondohan ng mga patalastas
  • Ang Liwayway ang "opisyal" na magasing Pilipino na nagpakilala ng komiks noong 1929
  • Ang kauna-unahang nailimbag na peryodiko ay inilathala noong 1605
  • Hanggang ngayon, nakikipagsabayan pa rin ang pahayagan kahit umusbong na ang makabagong teknolohiya tulad ng radio, telebisyon at internet
  • Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang ang kauna-unahang Filipino na gumawa ng komiks, ang "Pagong at Matsing" noong 1884
  • Komiks
    • Gumagamit ng imahen, teksto at impormasyong biswal
    • Hitik sa kasaysayan
  • Kilalang tao pagdating sa komiks
    • Ramon Roces
    • Alejandro Roces, Sr.
  • Salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon
    • Balbal
    • Kolokyal
    • Banyaga
  • FHM (for him magazine)

    Nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa nang walang pag-aalinlangan
  • COSMOPOLITAN
    Ang mga artikulo rito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan
  • Good Housekeeping
    Para sa mga abalang ina. Tumutulong upang magampanan ang responsibilidad bilang mabuting maybahay
  • YES
    Tungkol sa balitang showbiz. Tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa
  • METRO
    Tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping , at mga isyu hinggil sa kagandahan
  • CANDY
    Binibigyang-pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan
  • MEN's health
    Nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan tulad ng mental na kalusugan, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal atbp
  • T3
    Para lamang sa mga gadget. Pinakikita ang pagbabago sa teknolohiya. Napapanahong balita tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget
  • ENTREPRENEUR
    Para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo
  • Radyo
    Pinakamadaling maabot na anyo ng media. Naghahatid ng balita, nagpapatugtog ng musika, at nagtatanghal ng mga dulang panradyo sa buhay ng mga Pilipino
  • Dinala ng mga Amerikano ang teknolohiya ng radyo
    1922
  • Mga dulang panradyo
    • Gulong ng Palad
    • Gabi ng Lagim
  • TANLAP
    Mula sa mga pinagsamang salitang TANaw at digLAP, nanggaling ang katagang telebisyon
  • Isang patente ang nagbigay-daan sa paglunsad ng elektromekanikal na telebisyon
    1884
  • Telebisyon
    Isa sa pangunahing midyum ng paghahatid ng impormasyon
  • Mahalagang ambag sa pagbasa ng teksto ng sinaunang naratibo
    • The Hero with a Thousand Faces (1949)
    • The Masks of God (1959)
  • Manuel Conde
    Mas kilala sa pangalang Manuel Urbano. Ipinanganak sa Camarines Norte noong ika-15 ng Oktubre 1915. Kilalang director at prodyuser ng mga indie film
  • Nagtayo siya noong 1947 ng sariling kompanyang tinawag na Manuel Conde Pictures na nakapagprodyus ng mga klasikong pelikula
  • Siya ay isang inhinyero sa larangan ng geology
  • Si Conde ang pinakaunang director na nakilala at nagkamit ng mga parangal sa labas ng bansa
  • Pinarangalan siya ng Presidential Medal of Merit (for film) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kaniyang mga kontribusyon sa sining

    2006
  • Indie film
    Kalimitang pinapaksa ang tunay na kalagayan ng bansa. Isang pagpupunyagi sa wika at panitikang Filipino. Pinagyayaman din ang ibang diyalekto sa Pilipinas. Ang pokus nito ay ang pagpapayabong ng kultura, konsepto, at tradisyon ng isang lugar o lalawigan
  • Sabay na sumulpot ang mga pelikulang mainstream at indie sa Pilipinas dahil 1920 pa lamang ay gumagawa na nito
  • Natigil ito sa Ikalawang Digmaan ng Pandaigdig. Nagpatuloy muli noong 1950 matapos ang digmaan
  • Matagumpay na indie film ay ang pelikulang Lola ni Brillante Mendoza
  • Social Awareness Campaign
    Kampanyang panlipunan na tumutukoy sa kamalayan natin sa ating lipunan na nais nating mabago o bigyang-solusyon
  • Kamalayan
    Isang katangian ng kaisipan na nangangahulugan ng pagiging gising, alisto, at tumutugon sa kapaligiran
  • Ang Ibong Mandaragit
    Inilalarawan ang kilos ng mayayaman at napasok ang kanilang pag-iisip. Isang nobelang malinaw na naglalahad ng mga pangyayari sa lipunan at naglalayong magmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng mga mamamayang Pilipino upang manindigan para sa pagbabago at kumilos upang labanan ang umiiral na sistema
  • Uri ng pambubully
    • Pagsasalita nang masakit
    • Iniiwasang makasama
    • Cyberbullying
  • Ano ang puwede mong gawin kapag may nambu-bully sa iyo?
    • Huwag mag react
    • Huwag gumati
    • Huwag lumapit sa mga bully
    • Sumagot sa paraan na hindi inaasahan ng nambu-bully
    • Magpatawa
    • Umalis
    • Magkaroon ng kompiyensa sa sarili
    • Magsumbong