Ang posisyong papel ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.
Ayon kay Grace Fleming, ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon.
Ang layunin nito ay mahikayat ang madlang ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan.
Ang posisyong papel ay ginagamitan ng pangangatwiran bilang pamamaraan ng paglalatag ng mga datos o impormasyon na siyang magpapatibay sa iyong pinapanigang posisyon sa isyu.
Ayon kay Jocson et al. (2005), ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa mga sumusunod:
Ito ay sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan.
Ito ay paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga ito sa iba.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
Bumuo ng thesis statement o pahayag na tesis. (Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (1997), ang pahayag na tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel.)
Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag na tesis o posisyon.
Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.
Buoin ang balangkas ng posisyong papel.
Panimulang impormasyon at pangkalahatang kaalaman tungkol sa paksa
Talatinigan, Ensayklopedya, Handbooks
Mapagkakatiwalaang artikulo
Dyornal na pang-akademiko
Mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu
Aklat, Ulat ng Pamahalaan
Napapanahong isyu
Pahayagan, Magasin
Estadistika
Sangay ng pamahalaan at mga organisasyon/ samahan
Uri ng Ebidensiya
Mga Katunayan (Facts) - ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama.
Mga Opinyon - tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo.
Panimula
Ilahad ang paksa
Magbigay ng maikling paunang paliwanag
Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon sa isyu
Paglalahad ng Counterarguments o mga ArgumentongTumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis
Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na counterargument
Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad
Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa
Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag kasama ang mga ebidensiya.
Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon at ang mga ebidensiya nito.
Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto at ang mga sumusuportang ideya rito.
Kongklusyon
Ilahad muli ang iyong argumento
Magbigay ng mga plano ng gawain na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu