Uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay
Lakbay-sanaysay
Paraan ng pagkilala/pagtuklas sa sarili hindi lamang sa kung ano ang natuklasan ng manunulat sa lugar na pinuntahan niya o sa mga taong nakasalamuha niya roon
Ang lakbay-sanaysay ay hindi tulad ng diary na basta lamang isinusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig at naramdaman sa paglalakbay. Hindi rin ito rekord o pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari.
Tungkol saan o Kanino ang Lakbay-Sanaysay?
Lugar
Ibang tao
Sarili
Photo-essay
Koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto o damdamin
Ang mensahe ng photo-essay ay pangunahing makikita sa serye ng mga larawan. Sa anyong ito, ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang.
Kronolohikal ang ayos ng mga larawan sa photo-essay upang maging kronolohikal din ang pagkukuwento gaya ng dokumentasyon sa buhay sa isang araw ng labandera o basurero.
Memorandum o memo
Isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos
Ang memo ay hindi isang liham. Kadalasan ay maikli lamang na pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntuning dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong, pagasasagawa, o pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o kompanya.
Uri ng memorandum ayon sa layunin
Memorandum para sa kahilingan
Memorandum para sa kabatiran
Memorandum para sa pagtugon
Agenda
Listahan ng mga tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod ) sa isang pormal na pagpupulong
Layunin ng agenda
Bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensyon
Mabigyan ng pokus ang pagpupulong
Karaniwan na ang nagpatawag ng pulong ang responsable sa pagsulat ng agenda sa tulong na rin ng kalihim na responsable rin sa pamamahagi ng mga agenda sa lahat ng lalahok.
Kahalagahan ng Paghahanda ng Agenda
Tatakbo nang maayos ang pagpupulong
Mas mabilis natatapos ang pagpupulong
Makatutulong ito sa itinalagang kalihim sa kanyang pagtatala ng mga nangyayari sa pulong
Nilalaman ng Agenda: Saan at kailan idaraos ang pulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos? Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong? Maghahalal ba ng mga bagong opisyal? Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin?
Katitikan ng Pulong
Dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon mula sa naganap na pag-uusap
Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong
Ginagamit upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di-nakadalo, ang mga nangyari rito
Nagsisilbi itong permanenteng rekord na kung saan, nagkakaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring komunikasyon
Ginagamit din ito upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel sa isang partikular na proyekto o gawain
Isa rin ito sa mga batayan ng kagalingan ng indibidwal
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
1. Bago ang pulong: Lumikha ng isang template sa pagtatala
2. Habang nagpupulong: Ginagamit ito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, magpokus sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon
3. Pagkatapos ng pulong: Ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon, repasuhin ang isinulat
Heading - Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
Mga Uri ng Talumpati
Impormatibo
Nanghihikayat
Nang-aaliw
Okasyonal
Inuuri rin ang talumpati ayon sa kahandaan
Impromptu
Extemporaneous
Manuskrito
Isinaulong Talumpati
Proseso sa Pagsulat ng Talumpati
1. Paghahanda
2. Pag-unlad
3. Kasukdulan
Uri ng talumpati
Okasyonal
Impromptu
Extemporaneous
Manuskrito
Isinaulong Talumpati
Okasyonal
talumpati para sa kasal, kaarawan, despedida, parangal
Pagsulat ng Talumpati
1. Paghahanda
2. Pag-unlad
3. Kasukdulan
4. Pagbaba
Uri ng Tagapakinig
Edad o gulang
Bilang
Kasarian
Edukasyon o antas sa lipunan
Mga saloobin at dati nang alam
Layunin ng Panukalang Proyekto
SPECIFIC - Nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari
IMMEDIATE - Nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
MEASURABLE - May basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
PRACTICAL - Nagsasaad ito ng solusyon sa binaggit na suliranin
LOGICAL - Nagsasaad ito ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
EVALUATE - Masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
Panimula
Katawan
Kongklusyon
Mga Laman ng Panukalang Proyekto
Pamagat
Proponent ng Proyekto
Kategorya ng Proyekto
Petsa
Rasyonal
Deskripsyon ng Proyekto
Badyet
Pakinabang
Press Release
Bahagi ng estratehiya upang ipaalam sa publiko ang mahahalagang nangyayari sa organisasyon
Balita vs. Press Release
Balita ay obhetibo sa paglalahad ng impormasyong mahalaga sa mambabasa, Press release ay nagsisilbi sa interes ng organisasyon o ng manunulat
Karaniwang ginagamit ng ilang manunulat ang social media bilang daluyan ng press release
Benepisyo ng Press Release
Pinakamabilis na paraan upang makakuha ng libreng publisidad
Mga Halimbawa ng Dokumentong Pantrabaho
Liham-aplikasyon
Agenda
Liham-resignasyon
Press release
Liham-pasasalamat
Resume
Memorandum
Report
Proposal
Panukalang proyekto
Sulat-kamay na dokumento
E-mail
Chat sa social media
Katitikan ng pulong
Layunin ng Pagsulat para sa Pagtratrabaho
Mabasa nang mabilis at maiparating ang mensahe
Ipaliwanag ang mga isinagawang aksyon
Magbahagi ng impormasyon tulad ng report at memo
Pag-utos sa tumanggap ng mensahe
Maghatid ng magaganda o masasamang balita
Resume at Liham-Aplikasyon
Unang kasangkapan sa pag-aaplay sa trabaho at iba pang propesyonal na layunin
Gamit ng Resume at Liham-Aplikasyon
Magsisilbing unang ugnayan sa posibleng employer, hahanapin ang impormasyon tungkol sa edukasyon, mga naunang trabaho, parangal, kaugnay na kakayahan at iba pang kwalipikasyon o kagalingan
Ang dalawang ito ang magiging batayan kung karapat-dapat bang mapabilang para sa isang panayam
Pagsasaalang-alang sa Etika
Ilahad kung ano ang totoo, ilahad ito sa paraang impormatibo at nang may kababaang-loob at paggalang
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Resume at Liham-Aplikasyon
Alamin ang organisasyon o kompanyang nais pasukan, bisitahin ang kanilang opisyal na Web site, ituon ang mga dokumento sa kung paano makabubuo ng magandang ugnayan sa kanila at ano-ano ang maitutulong mo sa pag-angat ng kompanya