PagFIl

Cards (26)

  • Kahalagahang Pangkasaysayan -Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
  • Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
  • Jornalistik - Kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist, saklaw nito balita,editoryal, kolum, lathalain at iba pangakdang mababasa sa mga pahayagan at magazine.
  • Obhetibo - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang.
  • May Kalinawan - Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
  • Referensyal - Naglalayong magrekomenda ng iba pangsanggunian o source hinggil sa isang paksa. Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards
  • Akademiko - Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalamanng mga estudyante sa paaralan. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon.
  • Profesyunal - Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Bagama’t propesyon nga, itinuturo na rin ito sa paaralan bilangpaghahanda sa isang propesyon na napiling magaaral.
  • Paghahambing - Isa itong anyo ng pagsusulat kung saan maaari mong tukuyin ang pagkakaiba o pagkakapareho ng subject na napili.
  • Kahalagahang Panterapyutika - Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.
  • Kahalagahang Pansosyal - Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon.
  • Paglalarawan - Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
  • Paglalahad - Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.
  • Teknikal - Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t–ibang uri ng mambabasa.
  • Pangangatwiran - Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat. Minsan kilala rin ito bilang persweysib.
  • Paglalarawan - Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
  • Kahalagahang Pang-ekonomiya - Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline
  • May Pananagutan - Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
  • Pormal - Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
  • May Paninindigan - Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
  • Ayon kay Arrogante (2007), nakasalalay sa kritikal na pagbabasa ang pagbuo ng sulating pangakademiko.
  • Ang manunulat ay kailangang mahusay mangalap ng impormasyon, mahusay magsuri, magaling mag-organisa ng mga ideya, at lohikal.
  • Malikhain - Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura.
  • Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report.
  • Deskriptibong Abstrak – Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita.
    • Impormatibong Abstrak – Marami sa mga abstrak na sulatin ay inpormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga inpormasyon na makikita sa babasahing ito. Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampong salita o higit pa.