Module 1

Cards (51)

  • Wika
    Napakahalagang instrumento ng komunikasyon
  • Salita
    Mga makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin na nagpapahayag ng kahulugan o kaisipan
  • Wika
    Behikulo na nagagamit sa pakikipagsusap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa
  • Lingua
    Salitang Latin na may kahulugang "dila" at "wika"
  • Langue
    Salitang Pranses na nangangahulugang "dila" at "wika"
  • Language
    Salitang Ingles na batay sa salitang Pranses at Latin
  • Mga pagpapakahulugan sa wika
    • Tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
    • Sistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
    • Sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain
  • Wika
    Sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagba-bake ng cake, o ng pagsusulat
  • Ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan
  • Ang wika ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming hakbang o proseso
  • Ang wika ay may iba't ibang pagpapakahulugan at nagiging mahalagang instrumento ng komunikasyon
  • Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga pilipinong gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto
  • Kinailangan magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino
  • Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa
  • Noong 2013, nagdagdag ng pitong (7) pang wikain ang DepEd kaya'y naging labinsiyam na wika na ang ginagamit sa MTB MLE
  • Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino
  • Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
  • Mga wikain na idinagdag
    • Ybanag
    • Ivatan
    • Sambal
    • Aklanon
    • Kinaray-a
    • Yakan
    • Surigaonon
  • Ang Filipino ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
  • Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles
  • Maliban sa mga nasabing unang wika (L1), ang Filipino (L2) at ang Ingles (L3) ay itinuturo din bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas
  • Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon
  • Sa mas matataas na antas ng elementarya gayundin sa high school at sa kolehiyo ay mananatiling Filipino at Ingles ang mga pangunahing wikang panturo
  • Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya para sa multilingguwal na edukasyon
  • Mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kani-kanilang unang wika
  • Ang Kastila at Arabic ay dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal
  • Ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3
  • Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang mga aralin kung ito'y ituturo sa wikang matatas na sila at lubos na nilang nauunawaan
  • Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino at gayundin ang wikang Ingles
  • Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baytang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural
  • Mga wika at diyalekto na ginagamit sa MTB-MLE
    • Tagalog
    • Kapampangan
    • Pangasinense
    • Tioko
    • Bikol
    • Cebuano
    • Iligaynon
    • Waray
    • Tausug
    • Maguindanaoan
    • Maranao
    • Chavacano
    • Ybanag
    • Ivatan
    • Sambal
    • Aklanon
    • Kinaray-a
    • Yakan
    • Surigaonon
  • Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang panturo
  • Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan
  • Unang wika
    Wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao
  • Pangalawang wika
    Wikang natutuhan pagkatapos ng unang wika
  • Mga wika at diyalekto sa Pilipinas
    • Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Tioko, Bikol, Cebuano, Iligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, Surigaonon
  • Paggamit ng mga wikang ito
    • Bilang hiwalay na asignatura
    • Bilang wikang panturo
  • Pagkatuto ng wika sa mga baitang
    1. Kindergarten at unang baytang: katatasan sa pasalitang pagpapahayag
    2. Ikalawa hanggang ikaanim na baytang: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat
    3. Mas matataas na baytang: Filipino at Ingles pangunahing wikang panturo
  • Pangalawang wika
    Wika na natututuhan matapos ang unang wika
  • Ikatlong wika
    Wika na natututuhan sa paglawak ng mundo ng bata