Module 3

Cards (17)

  • Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan
  • Ehemplo na magpapatunay na ang wika ay panlipunan
    • Kuwento ni Tarzan
    • Batang walang ugnayan sa ibang tao
    • Taong bago lipat sa isang komunidad na may ibang wika
  • Ang wika ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao
  • Hindi matatawaran ang mahalagang gamit ng wika sa lipunan
  • Mga tungkulin ng wika ayon kay M.A.K. Halliday
    • Instrumental
    • Regulatoryo
    • Interaksiyonal
    • Personal
    • Heuristiko
    • Impormatibo
  • Instrumental
    Tungkulin ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao na makipag-ugnayan sa iba gamit ang iba't ibang instrumento
  • Halimbawa ng tungkuling instrumental
    • Paggawa ng liham pangangalakal
    • Liham ng patnugot
    • Pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto
  • Regulatoryo
    Tungkulin ng wika na tumutukoy sa pagkontrol ng ugali ng ibang tao
  • Halimbawa ng tungkuling regulatoryo
    • Pagbibigay ng direksiyon
    • Panuto sa pagluluto ng ulam
    • Panuto sa pagsagot sa pagsusulit
    • Gabay sa paggawa ng anumang bagay
  • Interaksiyonal
    Tungkulin ng wika na nakikita sa paraang pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa
  • Halimbawa ng tungkuling interaksiyonal
    • Pakikipagbiruan
    • Pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu
    • Pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari
    • Paggawa ng liham pangkaibigan
  • Personal
    Tungkulin ng wika na saklaw ang pagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
  • Halimbawa ng tungkuling personal
    • Pagsulat ng talaaarawan o journal
    • Pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan
  • Heuristiko
    Tungkulin ng wika na ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang pinag-aaralan
  • Halimbawa ng tungkuling heuristiko
    • Pagiinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong
    • Pakikinig sa radyo
    • Panonood sa telebisyon
    • Pagbabasa sa pahayagan, magasin, blog, at mga aklat
  • Impormatibo
    Tungkulin ng wika na may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita
  • Halimbawa ng tungkuling impormatibo
    • Pagbibigay ulat
    • Paggawa ng pamanahong papel
    • Tesis
    • Panayam
    • Pagtuturo