NMT 41-45

Cards (68)

  • Ibarra ay hindi dinalaw ng antok noong gabing iyon dahil balisa siya sa kaguluhang naganap
  • Paglalahad ni Elias kay Ibarra
    1. Ipaalam kay Ibarra na si Maria ay may sakit
    2. Ipaliwanag kung paano niya napatigil ang kaguluhan noong gabing iyon
  • Elias ay kilala umano ng magkapatid na gwardia sibil kaya napahinuhod ang dalawa dahil sa kanilang utang na loob dito
  • Ibarra ay nakasalubong ang kapatid ng taong dilaw na si Lucas
    Lucas ay kumilit kay Ibarra tungkol sa makukuhang salapi ng kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid
  • Ibarra ay sumagot ng maayos kay Lucas at sinabi na magbalik na lamang ito sa isang araw dahil papunta siya sa maysakit
  • Lucas ay mapilit kaya bago pa man mawala ang pagtitimpi ni Ibarra ay tumalikod na lamang ito
  • Lucas ay inisip na iisa ang dugong nananalaytay sa ugat nina Ibarra at ng lolo nito na nagparusa sa kanilang ama
  • Para kay Lucas, maari lamang silang maging magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra
  • Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay mababanaag ang lungkot dahil may sakit si Maria Clara
  • Pag-uusap ng mag-pinsang sina Tiya Isabel at Kapitan Tiyago
    1. Alamin kung alin ang mabuting bigyan ng limos upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria
    2. Napagdesisyunan na pareho na lamang bigyan ng limos ang dalawa
  • Dumating sina Doktor Tiburcio de Espadaña, Donya Victorina de Espadaña at Linares sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago
  • Donya Victorina ay ipinakilala si Linares at sinamahan sila ni Kapitan Tiyago sa kani-kanilang silid
  • Donya Victorina
    Apatnapu't limang taong gulang ngunit ipinamamalita niyang siya'y tatlumpu't dalawa lamang
  • Donya Victorina ay pangarap noon pa man na makapangasawa ng dayuhan
  • Tiburcio
    Tatlumpu't limang taong gulang ngunit mas mukha pang matanda kaysa kay Donya Victorina
  • Pagdating ni Tiburcio sa Pilipinas
    1. Dumanas ng katakut-takot na pagkahilo sa barko at nabalian pa ng paa
    2. Nahihiya na siyang bumalik sa Espanya at ipinasyang manatili na lamang sa Pilipinas
    3. Tanggap siya sa trabaho dahil na rin sa tulong ng mga kababayang Kastila
    4. Pinayuhan ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko
  • Wala talagang kaalam-alam sa panggagamot si Tiburcio
  • Pagsisimula ni Tiburcio sa paggamot
    1. Mababa lamang ang singil nito sa mga unang panggagamot
    2. Sinamantala niya ang pagtitiwala sa kanya ng mga indio kaya 'di nagtagal ay pataas na ng pataas ang singil niya sa kanyang mga pasyente
    3. Isinumbong siya sa Protomediko de Manila ng mga tunay na mediko
  • Nawalan si Tiburcio ng mga pasyente dahil sa pangyayari
  • Napangasawa ni Tiburcio si Donya Victorina
  • Pagbili ni Donya Victorina
    1. Aranya at karomata
    2. Kabayo mula sa Albay at Batangas
  • Binihisan ni Donya Victorina si Tiburcio upang magmukhang kagalang-galang
  • Nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea si Donya Victorina
  • Ipinamalita ni Donya Victorina na siya'y naglilihi at sa Espanya manganganak
  • Dinagdagan ng 'de' ang pangalan ni Donya Victorina kaya naman nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espadaña
  • Naunsyami ang pagbubuntis na inaasahan ng Donya
  • Ibinunton ni Donya Victorina ang sisi sa asawa niya
  • Nagpaukit ang Donya ng mga katagang DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES sa marmol na karatula at ikinabit sa kanilang bahay
  • Kumuha ng Kastilang katiwala ang Donya sa kanyang mga ari-arian
  • Ipinasundo ng Don ang kanyang pamangkin na nag-aaral ng pagkamanananggol sa gastos ng kanyang asawang Donya
  • Dumating si Padre Salvi habang sila ay nagmimiryenda
  • Ipinangalandakan ng Donya Victorina na kaut-utang dila niya ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder ng estado
  • Namangha ang Donya ng sabihin ni Kapitan Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan-Heneral sa kanilang bahay
  • Paggamot ni Tiburcio kay Maria Clara

    1. Pinulsuhan at tiningnan ang dila
    2. Iniresta ang gamot na liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa
  • Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares kay Maria Clara
  • Dumating si Padre Damaso na kagagaling rin lang sa sakit
  • Nanangis si Padre Damaso at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay
  • Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares na inaanak ni Carlicos na bayaw ni Padre Damaso
  • Iminungkahing kakausapin ng Padre Damaso si Kapitan Tiyago tungkol sa mapapangasawa ni Linares
  • Tuloy-tuloy sa silid ng dalaga si Padre Damaso na halata sa mukha ang pag-aalala kay Maria Clara. Siya'y nanangis at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay.