Aktibong Pagkamamamayan (Ap10 4Q)

Cards (9)

  • Pagkamamamayan
    Ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado na tumutukoy sa miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin
  • Jus Sanguinis
    Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila
  • Jus Soli
    Naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang
  • Balidong Sanhi ng Pagkawala ng Citizenship

    • Naturalisasyon sa ibang bansa
    • Expatriation o kusang pagtalikod sa pagkamamamayan
    • Panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon
    • Paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa
    • Pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan nito
  • Gawaing Pansibiko
    Mga gawaing makakatulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa, nagsasama-sama at kumikilos ang mga kasapi ng komunidad
  • Layunin ng Gawaing Pansibiko
    Lutasin ang mga suliraning kinakaharap ng pamayanan at mula rito ay makapagdulot ng mabubuting pagbabago sa pamayanan at bansa
  • Layunin ng Aktibong Pagkamamamayan
    Ang pagpapahalagang sibil at ang dedikasyon ng mga mamamayang maging matulungin at hindi makasarili ay napagyayaman ng bansa
  • Aktibong Pagkamamamayan
    Pakikilahok ng mga mamamayan sa kani-kanilang lokal na pamayanan, upang makapag-ambag sa pagtatatag at pagpapanatili ng demokratikong lipunan, pinatatakbo sa pamamagitan ng patuloy na diyalogo o pag-uusap sa pagitan ng lipunang sibil at ng mga namumuno
  • Mga Katangian ng Aktibong Pagkamamamayan
    • May kakayahan at kapangyarihan
    • Nauunawaan may kaakibat na mga responsibilidad at hindi o nahihiya na ipahayag ang mga ito, kinakailangang may access sila sa wasto at napapanahong impormasyon tungkol sa pamahalaan at sa mga gawain nito
    • Patas at makatarungan, hindi sapat na alam lang ng mga mamamayan ang estruktura o balangkas at mga proseso sa pamahalaan, kung hindi dapat ay may alam din sila kung paano ipinoproseso ang mga gawain
    • Pagiging inklusibo o kabilang sa pangkat, ang bawat isa ay dapat makaramdam ng pagiging kabahagi at may pantay na pagkakataong tamuhin ang mga karapatan