Katitikan ng Pulong

Cards (18)

  • Adyenda - listahan ng mga tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong
  • Adyenda - kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibidwal; ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad tulad ng sosyo-ekonomiko ng Adyenda sa Pilipinas.
  • Layunin ng adyenda na bigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensiyon
  • Presidente, CEO, Direktor, Tagapamahala, o mga pinuno
    sino ang madalas sumulat ng isang adyenda?
  • Ang pagkakaroon ng mahusay na adyenda ay magsisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksyon.
  • Mas mabilis na natatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdarausan, oras ng pagsisimula at pagtatapos, mga kailangang talakayain, at mga maaaring kalabasan ng pulong.
  • -Saan at kailan idaraos ang pagpupulong; Anong oras ito magsisimula at matatapos
    -Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong
    -Ano-anong mga paksa o usapin ang tatalakayin
    -Sino-sino ang mga kalahok sa pagpupulong

    ano-ano ang mga dapat nilalaman ng isang adyenda?
  • Kailangan malaman ng mga kalahok ang oras at lugar upang makarating sila sa itinakdang oras at lugar upang makapagsimula na ang pulong sa lalong madaling panahon.
  • Layunin - sinasagot ang tanong na “Bakit tayo magkakaroon ng pagpupulong?”
  • Katitikan ng pulong - dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon tungkol sa pulong
  • Katitikan ng pulong - isang opisyal na dokumento; may matinding pananagutan ang sumulat nito na maging totoo sa kaniyang itinatala; kailangan din niyang panindigan ang kaniyang mga isinulat.
  • Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di-nakadalo, ang mga nangyari rito: kailan at saan ito nangyari, sino-sino ang mga dumalo, sino-sino ang mga lumiban at ano-ano ang kanilang dahilan, ano ang pinag-usapan, ano ang mga desisyon, at iba pa.

    kahalagahan ng katitikan ng pulong
  • Katulad ng korespondensiya opisyal, nagsisilbing permanenteng record ang mga katitikan ng pulong. Imposibleng matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong.
  • Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa isang partikular na proyekto o gawain.
  • Bago ang pulong, Habang nagpupulong, at Pagkatapos ng pulong
    mga gabay sa pagsulat ng katitikan ng pulong
  • Bago ang pulong
    • Kung naatasan magsulat, siguraduhing hindi ang sarili ang pangunahin o pinakaimportanteng kalahok dito
    • Lumikha ng isang template sa pagtatala
    • Basahin ang inihandang adyenda
    • Mangalap na rin ng impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa
    • Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at pape, laptop, o audio recorder
  • Habang nagpupulong
    • Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong
    • Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon
    • Itala ang aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos
  • Pagkatapos ng pulong
    • Repasuhin ang isinulat
    • Kung may mga bagay na hindi naintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o iba pang dumalo.
    • Kapag tapos nang isulat, ipabasa ito sa namumuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon.
    • Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya.