FPL

Cards (66)

  • Tungkulin ng Akademya
    institusyong pumapanday sa kaalaman at kasanayan na kailangan para sa iba't ibang tungkuling gagampanan ng isang indibidwal sa lipunan - bilang estudyante, magulang, atbp.
  • Sa pamamagitan ng mga gawaing akademiko:
    • karaniwang natitipon at nasusuri ang mga datos
    • nadedebelop ang metodo ng pananaliksik
    • nabubuo ang mga bagong konsepto, teorya, at mismong kaalaman.
  • Ang anumang nalilinang sa mga disiplina ay hindi dapat makulong hanggang sa bakuran lang ng akademya
  • Kasanayan at Gawaing Akademiko
    • Pangunahing pinauunlad sa akademya ang mga kaalaman at kasanayan
    • Kakayahan kung paano mag-isip
  • Tungkuling akademiko
    ang pagpapaunlad ng sarili, ng larangan, ng kaalaman, at ng lipunan
  • Pagsulat
    tumutukoy sa pagbuo ng mga simpleng sulatin.  
  • Pagbasa
    kakayahang bigyang-kahulugan ang mga salita at mapag- ugnay-ugnay ang kahulugan upang makabuo ng panibagong kaisipan.
  • Presentasyon
    Tumutukoy sa pagsasalita sa publiko, sa kakayahang magplano ng paglalahad ng mga ideya
  • Dokumentasyon
    angkop at sistematikong pagkilala sa pinagkunan ng datos, impormasyon, o ebidensiya para sa isang sulatin.
  • Pagiging Mapanuri
    Tumutukoy ito sa kakayahang sumuri o humimay ng mga bahagi o aspekto ng isang paksa o teksto, o kakayahang tasahin o bigyang ebalwasyon ang mga bagay-bagay
  • Akademikong Pagsulat
    Tumutukoy sa pagsulat na mas pormal at mas nakabatay sa saliksik. May sinusunod na tiyak na pamantayan, hakbang, proseso, metodo.
  • Mapanuring Pagbasa
    Tumutukoy ito hindi lamang sa pag-intindi sa sinasabi ng binasang teksto kundi sa kakayahang makipagdiyalogo sa teksto.
  • Pagbuo ng Konsepto at Pagpaplano
    pagpili ng paksa at sa pagtukoy ng tiyak na suliranin o aspekto ng paksa na maaaring idebelop, gawan ng pag-aaral at sulatin
  • Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
    Tumutukoy ito sa pagtatalakay at pagsagot sa isang suliraning akademiko o panlipunan sa pamamagitan ng pagsulat ng pananaliksik
  • Mapanuri
    Karaniwang tumutukoy ito sa pagsulat ng mga kritikal na papel, artikulong nakabatay sa saliksik, panunuring papel, report at teknikal o pormal na pagsulat
  • Malikhain
    Tumutukoy sa pagsulat ng kwento tulad ng tula, dula o personal na sanaysay at iba pang nagpapanagana ng imahinasyon
  • May tiyak na Paka at Layunin
    Ang paksa ay karaniwang nakaugnay sa isang larangang akademiko o disiplina
  • Ang estruktura ay karaniwang sumusunod sa tatlong bahagi: introduksiyon, katawan at kongklusyon. Maingat ang paggamit ng wika, hindi maligoy ang pagkasulat at malinaw ang mga pangungusap
  • Pormal ang Tono at Istilo ng Pagsulat
    Ang estilo ng pagkasulat ay iba sa pang- araw-araw na paraan ng paggamit ng wika. Kailangan io upang maipaabot nang malinaw at tiyak ang impormasyon at ideya ng sulatin
  • Sentral na aspekto ng akademikong pagsulat ang pagdedebelop ng orihinal na ideya o argumento. Bago magsulat ng isang paksa, dapat munang alamin kung ano-ano na ang naisulat ng iba tungkol sa paksa.
  • Sinusuportahan ng Datos at Ebidensya
    Ang pagkakaroon ng sapat at mapagkakatiwalaang datos at ebidensiya ang isang batayan kung paniniwalaan o hindi ang mga ideyang inilahad sa tekstong akademiko.
  • Estruktura ng sulatin
    Kailangang pag-isipan ng mabuti kung paano ito isasaayos at pagsusunod-sunurin.
  • Pagsasaayos ng datos o ebidensya
    • layunin ng papel
    • datos at ebidensya
    • pagbuo ng pangunahing ideyao argumento
  • Tipirin ang mga salita
    Nangangahulugan lamang nito na kailangang may dahilan ang paggamit ng bawat salita sa isang pangungusap, talata at sa buong teksto
  • Maging Tiyak sa Pagpili ng salita
    May tiyak na gamit at kahulugan ang mga salita. Kahit ang tila magkakasingkahulugang salita ay iba-iba pa rin ang gamit at kahulugan
  • Gumamit ng Pormal na Wika
    Sa Akademikong pagsulat, inaasahang pormal na wika ang gagamitin. Karaniwang iniiwasan ang mga salitang kolokyal at balbal
  • Pararelismo sa Konstruksiyon ng mga Parirala sa Isang serye
    Ang tinutukoy dito ay ang magkakatulad na estruktura ng parirala o pangungusap sa isang serye. Sa pamamagitan nito mas madaling masusundan ang nilalaman ng mga entry o lahok sa serye.
  • Pagoutol ng mahahabang pangungusap
    Pag-isipan kung paanong puwedeng gawing dalawa o higit pang pangungusap kung masyadong mahaba ang pahayag.
  • Maingat at Makatwirang Pahayag
    1. Paggamit ng Unang Panauhan
    2. Paggamit ng Pandiwang Nag-uulat
  • Sinimulang ipatupad noong taong akademiko 2012-2013 ang Mother Tongue-Based Miltilingual Education (MTB-MLE) sa pampublikong paaralan sa Pilipinas bilang bahagi ng K to 12 Basic Education Program ng Kagawaran ng Edukasyon.
  • Umiiral ang multilingguwal na patakaran sa paggamit ng wika sa edukasyon
    • maituturing na mas nangingibabaw pa rin ang paggamit ng wikang banyaga- ang wikang Inglessa sistema ng edukasyon, lalo na sa mataas na edukasyon.
  • Konstitusyon ng 1987
    dapat itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wika ng pagtuturo
  • ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6
    Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
  • ARTIKULO XIV, SEKSIYON 7
    Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
  • Wikang Panrehiyon
    ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
    • Inilalarawang “pagtitipid ng lakas- utak” ang paggamit ng sariling wika bilang wika ng edukasyon.
  • Pangunahing Bahagi ng Rehistro ng Wika
    pagbuo ng bokabularyo, termino o katawagan
  • Minumungkahing Hakbang sa Pagtutumbas ng mga Termino
    • Paghahanap ng katumbas sa korpus ng wikang Filipino. 
    • Paghahanap ng katumbas sa iba pang wika sa Pilipinas.
    • Panghihiram sa Espanyol. 
    • Panghihiram sa Ingles nang isinasa-Filipino ang baybay ng salita.
    • Panghihiram nang buo sa Ingles. 
    • Paglikha ng salita na binaybay sa Filipino
  • Inuuna ang panghihiram sa Espanyol kaysa Ingles