Ambag na Salitang KANKANAEY - CAR. Ruth M. Tindaan (2011)

Cards (11)

  • ALLUYUN - tumutukoy sa bukal na palitan ng tulong sa pagitan ng magsasaka sa mga gawain sa bukid
  • AYUSIP - ito ay tinatawag na black berry sa Ingles. Tumutubo ito sa gubat at sa mga gilid ng sakahan
  • BATAKAGAN - pinakamaliwanag at pinakamakinang na bituin sa hilagang bahagi ng himpapawid sa hilaga ng madaling araw
  • BESKA - tumutukoy ito sa unang paglabas ng buwan sa kalangitan na hugis letrang C.
  • DASADAS - ritwal na isinasagawa ng isang pamilya bago tumira sa kanilang ipinatayong bahay.
  • DILLI - tradisyunal na telang pangkumot sa patay na nakapagdaos ng canao.
  • INAYAN - tumutukoy ito sa pagpigil sa isang tao sa paggawa ng isang bagay laban sa kanyang kapwa tao.
  • LUNGAYBAN - tumutukoy sa pangkalahatang tawag sa orchids.
  • PAKDE - ritwal pagkatapos ng libing ng isang pumanaw na ang dahilan ng pagkamatay sa suicide o aksidente.
  • PINIT - tinatawag na wild berry sa Ingles na halos katulad ng strawberry, dahil pula at may mga buto rin sa ibabaw ng bunga.
  • WATWAT - ito ay isang hiwa-hiwang karneng ibinabahagi sa mga tao tuwing kainan sa isang ritwal o canao