Pagbasa Grade 11

Cards (86)

  • Sulating pananaliksik
    Malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa, may obhetibong interpretasyon ng manunulat
  • Pananaliksik
    Masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu
  • Pagsulat ng pananaliksik
    1. Pagpili ng mabisang paksa
    2. Pagsaalang-alang sa mga mapagkukunan ng paksa
    3. Pagsaalang-alang sa kabuluhan at kakayahang pinansyal ng paksa
    4. Pag-iwas sa mga sensitibong paksa
  • Mga mapagkukunan ng paksa
    • Internet at Social Media
    • Telebisyon
    • Diyaryo at Magasin
    • Mga Pangyayari sa Paligid
    • Sariling interes at kakayahan
  • Mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian
  • Isaalang-alang ang kabuluhan ng paksa, kung magagamit sa hinaharap at kung maaaring maging daan para sa panibagong pananaliksik
  • Isaalang-alang ang kakayahang pinansyal para matapis ang isinagawang pananaliksik
  • Iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa relihiyon, moralidad, kasalukuyang kaganapan o isyu, at mga paksang itinuturing nang "gasgas"
  • Paksa sa Pananaliksik
    Ang paksa na pipiliin at tatalakayin sa pananaliksik
  • Pagbubuo ng Paksa sa Pananaliksik
    1. Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
    2. Ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
    3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
    4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang ipinapakita o kaugnay na paksa?
    5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
    6. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
    7. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
    8. Paano ko pag-uugnayin at pagsunud-sunurin ang mga ideyang ito?
  • Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa

    1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
    2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
    4. Pagbuo ng Tentabong Paksa
    5. Paglilimita ng Paksa
  • Mga Bagay na Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
    • Nakahihikayat na paksa
    • Napapanahon at maaaring mapakinabangan ang kalalabasan ng pananaliksik
    • May sapat na mapagkukunan ng impormasyon
    • Interesado ka sa paksang iyong tatalakayin
    • Iwasan ang masyadong malawak na paksa ganun din ang mga paksang limitado
  • Pagbabalangkas
    Sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkasunud-sunod bago ganapin ang paunlad napagsulat
  • Tentatibong Pagbabalangkas
    • Binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plan at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa
    • Pinakapundasyon ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasan porma ng isang katha
  • Mga bahagi ng Tentatibong Balangkas
    • Rasyunal
    • Pangkalahatang Layunin
    • Mga tiyak na Layunin
    • Mga Suliranin sa Pag-aaral
    • Mga Haypotesis
    • Uri ng Haypotesis
  • Rasyunal
    Siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa
  • Pangkalahatang Layunin
    Malawak na pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik
  • Mga tiyak na Layunin
    Iniisa-isa ang mga tiyak at iba-ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik
  • Mga Suliranin sa Pag-aaral
    Nilalaman ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayang paksa na siyang nagbibigay-saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik
  • Mga Haypotesis
    Pinakalohikal o pinakamakatwirang mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian
  • Uri ng Haypotesis
    • Haypotesis na Deklaratibo
    • Haypotesis na Prediktibo
    • Haypotesis na patanong
    • Haypotesis na Null
  • Haypotesis na Deklaratibo
    Nakatuon sa paglalahad ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik. Ang unang salik o bahagi bilang siyang sanhi at ang pangalawa bilang siyang bunga
  • Haypotesis na Prediktibo
    May kaugnayan sa pagbibigay ng isang kondisyunal na sitwasyon sa paksa. Matutukoy at masusuri matapos maisakatuparan ang panukala o rekomendasyon ng pananaliksik
  • Haypotesis na patanong
    Maaari ding magsilbing haypotesis ang mga lohikal na tanong na inilalahad sa isang pananaliksik. Masusuri an gang kahalagahan at ang mga sagot sa patanong na haypotesis na ito sa pagtatapos ng pananaliksik
  • Haypotesis na Null
    Walang direktang ugnayang umiiral sa mga salik na naitalakaugnay ng problemang pinapaksa ng pananaliksik. Ginagamit to sa pananaliksik na kwantitatibo o gumagamit ng isang tiyak na estadistikal pagsusuri sa pananaliksik
  • Pagbabalangkas
    Sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal na pagkasunud-sunod bago ganapin ang paunlad napagsulat
  • Nakatutulong ang pagbabalangkas sa paglilimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat tandaan
  • Tentatibong Pagbabalangkas
    • Binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga planc at tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak na paksa
    • Pinakapundasyon ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasan porma ng isang katha
  • Mga bahagi ng Tentatibong Balangkas
    • Rasyunal
    • Pangkalahatang Layunin
    • Mga tiyak na Layunin
    • Mga Suliranin sa Pag-aaral
    • Mga Haypotesis
    • Uri ng Haypotesis
    • Katangian ng Mahusay na Haypotesis
    • Saklaw at delimitasyon
    • Kahalagahan ng Pag-aaral
    • Katuturan ng mga Terminong Ginamit
  • Rasyunal
    Siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing paksa
  • Pangkalahatang Layunin
    Malawak na pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng rasyunal na pananaliksik
  • Mga tiyak na Layunin
    Mga tiyak at iba-ibang aspekto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng pananaliksik
  • Mga Suliranin sa Pag-aaral
    Mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at kasalukuyang kalagayang paksa na siyang nagbibigay-saysay upang ito ay bigyan ng pansin at paglaanan ng pananaliksik
  • Mga Haypotesis
    Pinakalohikal o pinakamakatwirang mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, masusugan o mapasubalian
  • Uri ng Haypotesis
    • Haypotesis na Deklaratibo
    • Haypotesis na Prediktibo
    • Haypotesis na patanong
    • Haypotesis na Null
  • Katangian ng Mahusay na Haypotesis
    • Makatwiran
    • Ipahayag ang relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol
    • Pwedeng subukin at suriin
    • Batay sa datihang mga resulta
  • Saklaw at delimitasyon
    Tinitiyak ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pangunahing pokus ng paksa. Malinaw na inilalahad kung sino-sino at ano-ano ang kabahagi ng pananaliksik, mula at hanggang kailan ito gagawin maging ang lugar kung saan ito isasagawa at kun ano-ano pa ang mga bagay na tatalakayin at hindi na tatalakayin ng pananaliksik
  • Kahalagahan ng Pag-aaral
    Mga tiyak na kahalagahan ng pananaliksik sa iba't ibang mambabasa ng pag- aaral
  • Katuturan ng mga Terminong Ginamit
    Kalipunan ng mga terminong ginamit sa pananaliksik na binibigyang-kahulugan batay sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik
  • sulating pananaliksik
    malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa