Ambag na Salitang KINARAY-A. Genevieve L. Asenjo (2011)

Cards (18)

  • BALISKUD - tumutukoy sa pangalawang pag-aararo para mapino ang nabungkag na tigang na lupa.
  • BANGAG - lupang nagkabitak-bitak bunga ng matinding tag-init o tagtuyot
  • BINATI - ito ang palayan na naararo na at napatubigan, handa na para taniman ng palay.
  • BUNGKAG - unang proseso ng/sa pag- aararo para mabaklas ang tigang na lupa.
  • HAMOD - ito ay uri ng lupang mabato. Hindi ito masustansya kaya hindi mainam pagtaniman.
  • HANALON - tumutukoy sa napakaitim na lupa. Ito ay masustansiya at mainam pagtaniman.
  • INUPONG - tumutukoy ito sa bugkos ng mga naani; komunidad ng mga inaning palay.
  • LAMIGAS - malulusog at mabubuting uri ng ito butil ng palay.
  • LINAS - proseso ito ng pag-alis, paghihiwalay ng lamigas sa uhay nito sa pamamagitan ng pagkiskis ng paa.
  • LIKYAD - mababaw na pag-aararo ito matapos makapagpanggas sa tuyong lupa o palayan.
  • LIMBUK - ito ang bigas na sinangag na mula sa bagong ani ng palay.
  • LINAPWAHAN - tinutukoy ito sa tinola mula sa iba't ibang gulay na nakikita sa likod bahay
  • MARINHUT - tawag ito sa maliliit na tumutubong palay - madalang ang tubo o sibol at arikutoy o malnourished .
  • PANUDLAK - ito ay isang ritwal na isinasagawa bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim .
  • PANGGAS - ito ang tawag sa pagsasabog ng binhi ng palay sa tigang na naararong lupa o palayan.
  • SUKA - ito ang unang ani.
  • WAYANG - bukas o malawak na lupain
  • PINALINPIN - ito ang palay na walang laman o maupa