fil

Cards (25)

  • Binatang nag-aral sa Europa at nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
    Crisostomo Ibarra
  • Siya ay isang bangkero/piloto at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami, at may pambihirang tibay ng loob.
    Elias
  • Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
    Maria Clara
  • Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at marupok ang kalooban sa mga papuring hindi sadyang nagmumula sa puso ng nagpaparangal.
    Padre Damaso
  • Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego
    Padre Salvi
  • Isang paring Dominikano na lihim na sumasabaybay sa bawat kilos ni Crisostomo Ibarra.
    Padre Sibyla
  • Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami.
    Pilosopo Tasyo
  • Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang tenyente ng guwardiya sibil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang ama.
    Teyente Guevarra
  • Isang mayamang mangangalakal na tagaBinondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang taong mapagpanggap at laging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
    Kapitan Tiago
  • Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.
    Tiya Isabel
  • Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alangalang sa mga minamahal na anak.
    Sisa
  • Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
    Basilio
  • Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
    Crispin
  • Isang babaeng punongpuno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama’t ito ay laging mali.
    Donya Victorina
  • Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.
    Don Tiburcio
  • Binatang napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria Clara. Siya ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.
    Alfonso Linares
  • Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa bilangguan. Siya ay labis na kinaiinggitan ni Padre Damaso dahilan sa yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang taong naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.
    Don Rafael Ibarra
  • Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
    Alperes
  • Siya ay ang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
    Donya Consolacion
  • Ang pinakamayamang opisyal at kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-ekskomulgado.
    Kapitan Heneral
  • Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin.
    Don Filipo Lino
  • Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
    Tandang Pablo
  • Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humihingi ng danyos sa nangyari ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa mga tulisan.
    Lucas
  • Siya ang panganay na anak ng lalaking napatay sa pambubugbog ng mga guwardiya sibil.
    Tarsilo
  • Siya ay malupit na asawa ni Sisa na walang inatupag kundi ang pagsusugal.
    Pedro