AP (Implasyon)

Cards (54)

  • Implasyon ay tumutukoy sa patuloy na pag taas ng pang kalahatang presyo ng mga pangunahing bilihin
  • Iba't ibang antas ng implasyon ay:
    Low Inflation
    Creeping Inflation
    Galloping inflation
    Hyperinflation
  • Low Inflation - kapag mas mababa sa 1% ang itinataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin
  • Creeping Inflation - nagaganap ito kapag nasa 1-3% ang bilis ng pagtaas ng presyong naitatala kada taon
  • Galloping inflation - nagaganap ito kapag ang taas ng pag babago ay mula 100-300%
  • Ang hyperinflation ay nag babadya ng mabilis na pag bagsak ng salapi ng isang bansa.
  • Maraming bansa sa South America at Africa ang nakararanas ng hyperinflation
  • Dito sa pilipinas, ang pinakamalalang kalagayan ng implasyon ay noong pananakop ng mga hapones
  • Ang pera noon ay nabansagang "mickey mouse money" dahil sa baba ng halaga nito dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin
  • Ang kabaligtaran ng implasyon ay deplasyon
  • Deplasyon ay ang patuloy na pagbaba ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing bilihin
  • Disequilibrium o hindi balanseng kalagayan pang ekonomiya
  • Peak- Pinakamataas na level sa panahon ng boom period
  • Trough- Pinakamababang lebel ng burst period
  • Sa burst period nagkakaroon ng krisis o recession
  • Kapag lumala ang recession dadanasin na ng ekonomiya ang depresyon
  • Mas ginaganahan ang bahay kalakal kapag mataas ang presyo
  • Ayon sa phillip's curve ang ugnayan ng unemployment at inflation ay negatibo o inverse
  • Pag mababa ang implasyon mataas ang unemployment rate kapag mataas ang unemployment rate mababa ang implasyon, ito ay itinatawag na padron (pattern)
  • Nagkaroon ng stagflation sa estados unidos noong 1970s
  • Ang mahusay na polisyang pampananalapi ay maaaring magpababa ng implasyon itong hakbangin ay tinatawag na disinflation
  • Reflation naman ang tawag kapag muling tumataas ang implasyon kapag ito ay napababa na
  • Ang simpleng pagtaas ng presyo ay hindi agad matatawag na implasyon
  • May suliranin sa implasyon kapag patuloy na pagtaas ang singil sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente tubig at komunikasyon
  • May suliranin sa implasyon kapag patuloy ang taas presyo ng mga raw materials
  • MAy suliranin sa implasyon kapag tumaas ang bentahan at bilihan ng pilak at ginto
  • May suliranin sa implasyon kapag may dagdag na kapasidad sa paggawa ng mga pabrika
  • May suliranin sa implasyon kapag may paggalaw sa label ng sahod
  • May suliranin sa implasyon kapag tumataas ang singil ng buwis ng mga bahay kalakal
  • Dahilan ng pagkakaroon ng stagflation ay ang patuloy na pagtaas presyo ng mga petrolyo
  • Dahilan ng stagflation ay ang pagtaas sahod ng mga manggagawa
  • Dahilan ng stagflation ay ang pagtaas nang gastusin ng produksyon
  • Dahilan ng pagkakaroon ng stagflation ay ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho
  • NAIRU - non- accelerating inflation rate of unemployment
  • Mga uri ng implasyon:
    Demand pull inflation
    Cost push inflation
    Pagdami ng salaping nasa sirkulasyon
    Imported inflation
    Pricing power inflation
    Sectoral inflation
  • Demand pull inflation - kapag ang pagnanais na bumili ay higit sa kakayahang magtinda o magsupply
  • Cost push inflation - kapag tumataas ang mga gastusin sa produksyon, sinisingil ito sa pamamagitan ng pagtaas din ng presyo ng produkto
  • Pagdami ng salaping nasa sirkulasyon - lumalawak ang inflationary gap dahil tumataas ang kakayahan ng taong bumili kapag marami siyang pambili
  • Imported inflation - inflation na nangyayari kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo na inaangkat sa isang bansa.
  • Pricing Power inflation - may manipulasyon sa presyo ng mga bilihin