AP7 Q4

Subdecks (2)

Cards (28)

  • colony o kolonya na kung saan tuwiran ang pagkontrol at pamamahala ng imperyalistang bansa sa kaniyang sakop na bansa
  • Ang ekslusibong pagkontrol ng isang bansa sa komersiyo, pamumuhunan at iba pang gawaing pang-ekonomiya sa isang bahagi ng teritoryo ng isang bansa ay tinatawag namang Sphere of Influence.
  • Komersyal na paraan- ang paglalakbay ng mga indibiduwal na adbenturero na naghahangad ng kanilang sariling katanyagan at kayamanan o ng mga mangangalakal at kumpanya ng kalakalan ang naging ugat ng pagtatatag ng kolonya.
  • Ang English East India Company (1600-1858) ay isang organisasyong pangkalakal na may napakalaking kayamanan at impluwensya, at sa mahigit na 250 taon na pamamayagpag nito na naging pangunahing instrumento ng British upang mamuno sa India.
  • Militar na paraan - Ang kapangyarihang pandagat at puwersang militar ay mahalagang paraan ng pagtatag ng kolonyal na paghahari.
  • Lokal na kontroladong pagpapalawak- ang pagpapalawak ng kolonyal ay hindi palaging plano o inaprubahan ng pamahalaan. Minsan, ito ay dahil sa mga nakabaseng sundalo o adbenturero sa isang lugar na maging ang mga liblib na lugar ay kanilang ginalugad upang makahanap ng mga bagong lupang sakahan at pastulan.