Silangang Asya

Cards (8)

  • isolationism o ang paghihiwalay sa bansa mula sa daigdig dahil sa mataas na pagtingin sa sariling kultura at paniniwalang makasisira ang impluwensiya ng mga dayuhan.
  • Ang opyo ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa katawan.
  • Nang ito'y malaman ng mga Tsino ay tinutulan nila ang patuloy na pagpasok ng opyo sa China ngunit naging daan ito sa pagtutol at pagsisimula ng isang digmaan noong 1839. Kinilala ang digmaang ito bilang Opium War.
  • Sa Unang Digmaang Opyo, nanalo ang mga British na nagresulta sa paglagda sa Kasunduang Nanking.
  • Nakapaloob sa Kasunduang Nanking na bubuksan pa ng Tsina ang iba pa nitong daungan, pag-angkin ng British sa Hongkong, pagbabayad pinsala ng China ng 21 milyong dolyar at pagkakaloob ng karapatang extraterritoriality.
  • Extraterritoriality ang sino mang British na nagkasala sa China ay hindi maaring litisin sa korte ng mga Tsino kundi sa korte ng mga British.
  • Nasundan pa ito ng Ikalawang Digmaang Opyo, sa pagkakataong ito ang England at France na ang naging kalaban ng China. Natalong muli ang Tsina at nagbunga na naman ito ng isa pang kasunduan na tinatawag na Kasunduang Tientsin.
  • Kasunduang Tientsin- Ang pagbubukas ng 11 pang daungan para sa kalakalan, pag-angkin ng England sa Kowloon, pagpapahintulot sa mga Kanluranin na manirahan at makapasok sa buong China at ang pagiging legal na bentahan ng opyo sa pamilihan ng China ang nilalaman ng kasunduang ito.