Timog Silangang Asya

Cards (14)

  • Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa hangaring pagpapalaganap ng Katolisismo, ginto, at maayos na daungan.
  • Sanduguan - Ginagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo, mistulang nakikipag-kaibigan ang mga pinunong Espanyol sa lokal na pinuno.
  • Ang Polo y Servicio o sapilitang pagtatrabaho ng kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
  • tributo na kung saan pinagbayad ng buwis ang katutubo ng mga Espanyol.
  • Ang monopolyo na tumutukoy sa pagkontrol ng Espanyol sa kalakalan.
  • Ang pagtatag ng sentralisadong pamahalaan na pinangasiwaan ng Gobernador-Heneral na kinatawan ng Hari ng Spain.
  • sistemang bandala - sa sistemang ito ay sapilitan ang pagbili ng pamahalaan sa ani ng mga magsasaka sa mababang halaga at may takdang dami ang produktong dapat ipagbili sa pamahalaan.
  • Ang paggawad ng encomienda ay nagsilbing pabuya o gantimpala sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.
  • Propagandista ay naghangad sila ng mga reporma at pantay na karapatan sa mga Espanyol at sinundan ito ng mga Katipunero na nagnais ng kalayaan para sa bansa.
  • Moluccas- Ito ay ang Spice Island mula Indonesia na nagpapalasa.
  • Ang divide and rule policy ay isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar, ginagamit naman ng mga mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang tribo.
  • Ang mga Portuges ang unang dumating sa Indonesia noong 1511.
  • Itinatag din ang Dutch East India Company upang pag-isahin ang mga kompanyang nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
  • Naging tanyag ang Malaysia dahil sa malawak na plantasyon nito ng goma at malaking reserba ng lata.