4th Quarter Exam in Civics 9

Cards (41)

  • GDP per capita - isa pa sa mga mahahalagang palatandaan ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa na mula sa pambansang kita ay ang halaga ng katampatan na ambag ng bawat mamamayan sa pambansang kita.
  • Sustainable real GDP Growth - Ibig sabihin, ang paglago ng pambansang kita ay kinakailangang may pinakamaliit na batayang halaga, o minimum value, sa pagdaan ng mga taon upang patuloy na masiguro ang kaunlarang ninanais ng bansa.
  • National Economic and Development Authority o NEDA - inilunsad ang Ambisyon 2040
  • Ambisyon 2040 - isang pinagsamang pananaw (sa Ingles, vision) at misyon hinggil sa ninanais ng kasalukuyang henerasyon sa magiging kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas pagdating ng taong 2040.
  • Implasyon - pagtaas ng presyo ng mga bilihin
  • Job mismatch - Ito ay ang hindi pagkakatugma ng kasalukuyang trabaho sa edukasyon ng isang tao o ang kaalaman ng mga aplikante ay hindi tumutugma sa mga oportunidad pang-empleyo na kanilang nakikita.
  • Overseas Contract Workers (OCW) o Overseas Filipino Workers (OFW) - isa ang Pilipinas sa mga bansa sa daigdig na may lakas-paggawa (labor-force) sa iba't ibang bahagi ng daigdig.
  • Export-oriented o export dependent - isa sa mga pinagmumulan ng malaking bahagi ng ating pambansang kita ay ang mga luwas na kalakal.
  • Batas Republika bilang 10533 - ang Enhanced Basic Education Act, inatasan nito ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng K-to-12 program. Dinagdagan nito ng dalawa pang taon (Antas 11 at 12) ang pag-aaral upang umayon ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa mga panuntunan sa pandaigdigang sistema.
  • Literacy Rate - tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na may kakayahang bumasa at sumulat.
  • Philippine Statistics Authority o PSA - ang pilipinas ay may 97.5% literacy rate mula sa 2010 Census of Population and Housing.
  • Public Insurance Policy o National Insurance Program - Ang pamahalaan ay nagbibigay ng pondong seguro (sa Ingles, insurance) sa mga mamamayan sa pamamagitan ng kontribusyon ng mga mamamayan, gaya ng sa isang pangkaraniwang pondong seguro mula sa mga pribadong grupo o kompanya.
  • Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth - pinamumunuan nito ang public insurance policy o national insurance program.
  • Batas Republika Blg. 11233 o ang Universal Health Care Act of 2019 - nagsasaad na lahat ng mamamayan ay maging kasapi ng PhilHealth.
  • Agrikultura: pansakahan, pangisdaan, at reporma sa lupa,
  • Komersiyo at kalakalan: mga industriya, negosyo, at mga sistema sa pagitan ng mga pamilihan;
  • Impormal na sektor: mga estrukturang impormal sa ekonomiya dala ng pag-unlad ng isang bansa; at
  • Sektor ng paglilingkod: lakas-paggawa at mga serbisyong nakapaloob sa basic utilities;
  • Kalakalang pambansa at pandaigdigang ekonomiya: ang pakikilahok ng bansa sa pandaigdigang ekonomiya, kasama na rin ang pakikisalamuha ng pinuno ng pamahalaan sa iba pang mga lider ng bansa (sa Ingles, international relations and diplomacy).
  • Sektor ng agrikultura - ang isa sa mga pinakamahahalagang sektor ng isang ekonomiya. Dito pangunahing nagmumula ang suplay ng pagkain, na isa sa mga pangangailangan ng tao.
  • Crops - pangunahing produktong kabilang dito ay ang palay, mais, niyog, saging, abaka, kape, mangga, kamoteng kahoy, at goma. Kasama rin dito ang iba pang mga produktong agrikultural mula sa bansa.
  • Livestock - binubuo ito ng suplay ng karne gaya ng baboy, baka, kalabaw, kambing, kabayo, at iba pa.
  • Poultry - binubuo ito ng suplay ng karne mula sa manok, bibe, pato, at iba pang mga ibon.
  • Fisheries - kabilang dito ang mga produkto mula sa mga pangisdaan: pinagsamang tubig-tabang (mga ilog at lawa) at tubig-alat (mula sa mga karagatan).
  • Batas Republika Blg. 7307 - paggamit ng kalabaw bilang karne ay nililimitahan ayon dito o ang Philippine Carabao Act of 1992. Ang batas na ito rin ang nagtatag sa Philippine Carabao Center (PCC) na matatagpuan ang punong-himpilan sa Science City of Munoz, Nueva Ecija.
  • Batas Republika Blg. 8435 - ito ang Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997. Ito ang patuloy na pagpapabuti sa agrikultura sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka at mangingisda, pagpapalawak ng edukasyong pansakahan sa mga paaralan at pamantasan.
  • Coral Triangle - bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay kabahagi ng tinatawag na _, isa sa mga pinakamahahalagang biodiversity area ng daigdig.
  • Typhoon belt - kung saan ang ating kapuluan ay pinakakaraniwang dinaraanan ng mga bagyo mula sa Dagat Pasipiko.
  • Pangulong Marcos - ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay itinatag sa pamamagitan ng mga Atas ng Pangulo Blg. 2 at 27 ni __. Naging kilala ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) pagkatapos ng panunungkulan niya.
  • Batas Republika Blg. 6657 o CARP Law of 1988 - layon nito na ipamahagi ang malalaking lupaing pansakahan para sa kapakinabangan ng mga maliliit at mahihirap na magsasaka na patuloy na nakikisaka lamang o nagrerenta ng lupain sa mga nagmamay-ari ng malalawak na lupain.
  • Pangulong Diosdado Macapagal - “Ama ng Repormang Pansakahan”, dahil sa kanyang paglagda sa Batas Republika Blg. 3844 o ang Agricultural Land Reform Code noong 1963.
  • Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o CARPER - sinusugan ang CARP ng panibagong batas, ang Batas Republika Blg. 9700 o ang ___ na nilagdaan noong 2009. Ito ay ganap na natapos noong Hunyo 2014.
  • Karakoa - sasakyang pandigma ng mga sinaunang Pilipino. Ito rin ang naging batayan ng salitang "balangay" o "barangay".
  • Gold standard - ang paggamit ng ginto bilang batayan ng halaga ng salapi.
  • Export-oriented - ang bansa ay nagbibigay ng pagpapahalaga o priyoridad sa pagluluwas ng mga produkto—maging ng mga serbisyo—kaysa sa pag-aangkat, upang makatulong sa lokal na ekonomiya.
  • Exchange rate - ang halaga ng ating salapi ayon sa basehang salaping pangkalakalan.
  • Appreciation - pagtaas ng halaga ng ating pera kung ihahambing sa ibang salapi.
  • Depreciation - pagtaas ng bilang ng lokal na salapi kung ihahambing sa pandaigdigang batayang salapi sa isang itinakdang panahon.
  • Mangga - isa sa mga pinakakilalang produktong agrikultural ng bansa, na kinilala ng Guinness World Records noong 1995 bilang pinakamatamis na mangga sa daigdig.
  • Gobernador Heneral Jose Basco - Maaalalang noong panahon ng mga Espanyol ay nagkaroon ang bansa ng monopolyo sa tabako na tumagal nang isang siglo (1783- 1882), na pinakasikat sa mga naging proyektong pang-ekonomiya ni __ (nanungkulan mula 1777 hanggang 1787).