(PAG-PAN)aginip lang tayo :C

Cards (76)

  • Pagbasa
    Proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
  • Pagbasa
    • Kompleks na kasanayan na nangangailangan ng iba't ibang at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon
  • Proseso na bumubuo sa kasanayan ng pagbasa
    1. Kaalamang ponemiko (pandinig)
    2. Pag-aaral ng Ponolohiya
    3. Katatasan
    4. Bokabularyo
    5. Komprehinsyon
  • Pagbasa
    • Proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon: Imbak/umiiral ng kaalaman
    • Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa
    • Konteksto ng kalagayan o sitwasyon
  • Pagbasa
    Kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas upang makabuo ng kahulugan
  • Intensibong pagbasa (Narrow reading)
    1. Masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto
    2. Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda
  • Ekstensibong pagbasa
    1. Pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales
    2. Makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto
  • Ang malaya at boluntaryong pagbasa ay tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika
  • Scanning
    Mabilisang pagbasa; hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa
  • Skimming
    Mabilisang pagbasa; alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto (organisasyon, idea, diskurso, pananaw)
  • Antas ng pagbasa
    • Primarya
    • Mapagsiyasat
    • Analitikal
    • Sintopikal
  • Limang hakbang sa sintopikal na pagbasa
    1. Pagsisiyasat
    2. Asimilasyon
    3. Mga tanong
    4. Mga isyu
    5. Konbersasyon
  • Ang pagbasa ay pundasyon sa edukasyon
  • Ang pagbasa ay nagbibigay ng kaganapan sa tao
  • Kakayahan sa pagbasa
    • Mataas na antas ng pagbasa
    • Nadevelop na kritikal at mapanuring pag-iisip
  • Nagbabago ang paraan ng pagbasa, nangangahulugang hindi lamang pag-alam o pagsasaulo sa mga pangunahing detalye na nakapaloob sa teksto kundi ang pagtiyak kung paano naging makatotohanan ang isang impormasyon
  • Proseso ng pagbabasa
    1. Bago magbasa
    2. Habang nagbabasa
    3. Pagkatapos magbasa
  • Mababaw na komprehensyon
    Hindi nananatili sa isipan ang natutunan
  • Aktibong pagbasa
    Paglilipat ng impormasyon sa pangmatagalang memorya; pagbuo ng orihinal na imahen
  • Elaborasyon
    Pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyon natutuhan
  • Organisasyon
    Pagbuo ng koneksyon sa pagitan ng iba't ibang impormasyong nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa
  • Pagkatapos magbasa
    1. Pagtatagsa ng komprehensyon
    2. Pagbubuod
    3. Pagbuo ng sintesis
    4. Ebalwasyon
  • Katotohanan
    Kalidad o kalagayan ng pagiging totoo ng isang pangyayari
  • Hulwaran ng mapanuring pagbasa
    • Pagbubuod
    • Pagbuo ng Konklusyon
    • Paghihinuha at paghula sa kalalabasang pangyayari
    • Pagpapalagay
    • Pagsusuri kung balido o hindi ang ideya ng pananaw
    • Pagkilala sa katotohanan at Opinyon
    • Pag-uuri ng mga ideya o detalye
    • Sanhi at Bunga
    • Problema at Solusyon
    • Paghahambing at Kontrast
    • Pagsusunod-sunod
    • Pag-iisa o Enumerasyon
    • Pagbibigay-kahulugan at Depinisyon
  • Parapreys/paraphase
    Muling pagpapahayag ng ideya na may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita
  • Abstrak
    Buod ng pananaliksik; tesis/tala ng isang komprehensiya sa isang tayak na larangan
  • Rebyu
    Suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito
  • Teoryang ibaba-pataas (Bottom-up)
    Teksto-titik-pasibo; Sikolohikal na pananaw, sumasandig sa Teoryang Behaviorist
  • Teoryang pataas-ibaba (Top-down)

    Utak-dating kaalaman-aktibo; Teksto ay walang kahulugan at nagsisilbing gabay upang mabuo sa mambabasa ang kahulugan at kaisipan
  • Teoryang interaktibo
    Itaas-pababa + Ibaba-pataas = Interaktibo
  • Tekstong impormatibo
    Expositori; magpaliwanag at magpahayag ng impormasyon; tunay na pangyayari
  • Kakulangan sa pagtuturo ng mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng pagbaba sa komprehensyon/pag-unawa
  • Apat na estruktura ng tekstong impormatibo
    • Sanhi at Bunga
    • Paghahambing
    • Proseso
    • Klasipikasyon
  • Teoryang Ibaba-pataas (Bottom-up)

    Teksto-titik-pasibo; Sikolohikal na pananaw, sumasandig sa Teoryang Behaviorist (utak ng tao ay isang tabula rasa (blankong papel na nagkakaroon ng laman dahil sa mga reaksyon sa iba't ibang sumasagi sa pandama))
  • Apat na estruktura ng tekstong impormatibo
    • Sanhi at Bunga
    • Paghahambing
    • Pagbibigay-depinisyon
    • Paglilista ng Klasipikasyon
  • Tatlong kakayahan sa pag-unawa sa tekstong impormatibo
    • Pagpapagana ng imbak na kaalaman
    • Pagbuo ng hinuha
    • Pagkakaroon ng mayamang karanasan
  • Deskriptibo
    Maglarawan ng isang bagay/konsepto; makapagpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin
  • Dalawang uri ng paglalarawan
    • Obhetibo
    • Subhetibo
  • Persweysib
    Makumbinsin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu; inilalahad sa punta de bista ng una o ikalawang panauhan; personal damdamin at emosyonal
  • Pamamaraan na panghihikayat (Aristotle)
    • Ethos
    • Logos
    • Pathos