TEKSTONG DESKRIPTIBO

Cards (26)

  • Tekstong Deskriptibo
    Maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
  • Tekstong Deskriptibo
    • Maaaring maging Subhetibo o Obhetibo
    • Subhetibo - Ang paglalarawan kung ang manunulat at maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahenasyon at hindi nakabatay sa katotohanan
    • Obhetibo - Ang paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan
  • Tekstong Deskriptibo
    Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto
  • Uri ng teksto na maaaring maging bahagi ng tekstong deskriptibo
    • Tekstong Naratibo (paglalarawan sa tauhan, tagpuan at iba pa)
    • Tekstong Argumentatibo (paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan)
    • Tekstong Persuweysib (epektibong pangungumbinsi)
    • Tekstong Prosidyural (paglalahad ng mga pagkakasunod-sunod na gagawin)
  • Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
    • Ang Pagkain ng hinog na Mangga ni Ediberto N. Alegre
  • Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal
    • Reperensiya (reference)
    • Substitusyon (Substitution)
    • Ellipsis
    • Pang-ugnay
  • Reperensiya (reference)

    Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap
  • Anapora
    • Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
  • Katapora
    • Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang sa katawan kundi sa aking puso at damdamin.
  • Substitusyon (Substitution)

    Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita
  • Substitusyon
    • Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
  • Ellipsis
    May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita
  • Ellipsis
    • Bumili si Gina ng apat na aklat, si Rina nama'y tatlo.
  • Pang-ugnay
    Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng At sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
  • Pang-ugnay
    • Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang magulang.
  • Reiterasyon
    Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: Pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, pagbibigay kahulugan.
  • Reiterasyon - Pag-uulit o repetisyon
    • Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
  • Reiterasyon - Pag-iisa-isa
    • Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
  • Reiterasyon - Pagbibigay-kahulugan
    • Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
  • Kolokasyon
    Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareho o may kaugnayan sa isa't-isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareho o maaari ding magkasalungat.
  • Kolokasyon
    • Nanay - Tatay, Guro - Mag-aaral, Puti - Itim
  • Ilang tekstong Deskriptibong bahagi ng iba pang Teksto
    • Paglalarawan sa Tauhan
    • Paglalarawan sa damdamin o emosyon
    • Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan
    • Paggamit ng diyalogo o iniisip
    • Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
    • Paggamit ng tayutay o matalinghagang pananalita
    • Paglalarawan sa tagpuan
    • Paglalarawan sa isang mahalagang bagay
  • Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
    • Dagli/Dalit o Flash Fiction
  • Kohesiyong leksikal
    Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesiyon. Maari itog mauri sa dalawa: Reiterasyon at Kolokokasyon.
  • Anapora
    kung kailangan bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy
  • Katapora
    kung nauna ang panghalip at malalaman kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pababasa sa teksto.