Filipino post test

Subdecks (1)

Cards (54)

  • Mga salitang impormal
    • Mga salitang ginagamit sa pang araw-araw
    • Madalas ginagamit sa pakikipag-usap
  • Uri ng salitang impormal
    • Balbal
    • Kolokyal
    • Lalawiganin
  • Balbal
    • Pinakamababang antas ng wika
    • "slang"
    • Tiinuturing na salitang kanto o kalye
  • Mga halimbawa ng Balbal
    • Pagkuha sa 2 huling pantig ng salita (amerikano, kaputol)
    • Pagbaliktad ng mga salita (astig, erap, lodi)
    • Paggamit ng salitang ingles at pinapalit ang kahulugan (toxic, slay)
    • Pagbigay ng kahulugan sa katunog na pangalan (Carmi Martin-karma, Tom Jones-gutom)
  • Kolokyal
    Ginagamit araw araw
  • Mga halimbawa ng kolokyal
    • Pagpaikli ng salita (pano, kelan, meron, nasan)
    • Pagsama ng dalawang wika (A-attend, eskwelahan)
  • Lalawiganin
    Ginagamit sa probinsya
  • Mga salitang pormal
    • Pambansa
    • Pampanitikan/Panretorika
  • Pambansa
    • Opisyal na wika
    • Ginagamit sa paaralan, pamahalaan, panayam, seminar, o aklat
    • Standard
  • Pampanitikan/Panretorika
    Masining na salita, mga tayutay, kasabihan, kawikaan
  • Ponemang Suprasegmental
    • Tono at intonasyon
    • Diin
    • Haba
    • Antala
    • Punto
  • Tono at intonasyon
    Pagtaas at pagbaba ng tunog sa pagbigkas ng isang pantig ng salita
  • Diin
    • Paglakas o paghina sa pagbigkas ng salita
    • "stress"
    • Malumi - binibigkas ng may pagtigil ng tunog sa dulo (`)
    • Maragsa - tuloy tuloy ang pagbigkas na may impit sa huling pantig (^)
    • Malumay - binibigkas ng may diin sa ikalawang pantig mula sa huli
    • Mabilis - binibigkas ng walang antala at diin ( ́)
  • Haba
    Haba o ikli ng pagbigkas
  • Antala
    Saglit na pagtigil sa pagsasalita
  • Punto
    Rehiyunal na tunog o "accent"
  • Mga uri ng Tayutay
    • Simili
    • Metapora
    • Personipikasyon
    • Pagmamalabis
  • Simili
    • Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkaugnay
    • Gumagamit ng tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing, sim, magkasim, magkasing
  • Metapora
    • Direkta ang paghahambing
    • Hindi gumagamit ng tulad ng
  • Personipikasyon
    Pagbibigay ng katangian ng isang tao sa bagay na walang buhay
  • Pagmamalabis
    Sadyang pinalalabis o "exaggeration"
  • Mga uri ng Pang angkop
    • Na
    • Ng
  • Na
    Ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n
  • Ng
    Ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig o n
  • Ibong Adarna
    • Nakatira sa Piedras Platas sa Bundok Tabor
    • Ibong makakapagpagaling kay Haring Fernando
  • Haring Fernando
    Mabuting hari ng Berbanya at ang nagkasakit
  • Reyna Valeriana
    Asawa ni Haring Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan
  • Don Pedro
    Panganay at unang umalis para hanapin ang ibon
    -may tindig na pagkainam
  • Don Diego
    Ikalawang anak at ang sumunod sa paghanap ng ibon noong hindi bumalik si Don Pedro
    -malumanay
  • Don Juan
    Bunso at ang nakahanap ng ibon sa Bundok Tabor. Siya din ang nagligtas sa kaniyang dalawang kapatid
    -may puso ring may pagsuyo
  • Matandang Sugatan o Leproso
    Nagsabi ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan pagdating sa Bundok Tabor
  • Higante
    Nagbabantay kay Donya Juana at pinatay ni Don Juan
  • Ermitanyo
    Tumulong kay Don Juan upang makuha ang ibon
  • Matandang Uugod-ugod
    Tinulungan niya si Don Juan upang mabalik ang kanyang lakas matapos siyang pagtaksilan ng kanyang mga kapatid
  • Donya Juana
    Ang unang nagpatibok sa puso ni Don Juan. Siya ay binabantayan ng isang Higante
  • Donya Leonora
    Nakababatang kapatid ni Donya Juana at binabantayan ng isang serpiyente. Nahulog si Don Juan sa kanyang kagandahan
  • Lobo
    Alaga ni Donya Leonora na tumulong kay Don Juan noong siya ay nahulog sa balon
  • Serpiyente
    Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Pinatay ito ni Don Juan
  • Donya Maria Blanca
    Princesa ng Reyna de los Cristales at endgame ni Don Juan
  • Haring Salermo
    Ama ni Donya Maria Blanca. Nagbigay ng madaming pagsubok para kay Don Juan upang makuha ang kamay ng kanyang anak