Ad

Cards (94)

  • Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino
  • Ninanais palaganapin sa gabay na ito ang estandardisadong mga grapema o pasulat na mga simbolo at ang mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito
  • Itinatanghal din dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng abakadang Tagalog bunga ng bagong alpabeto at bunga na rin ng umuunlad na paggamit sa Wikang Pambansa
  • Hindi ninanais na maging pangwakas na mga tuntunin ang nilalaman ng gabay na ito
  • Wika nga noon pang 1906 ni Ferdinand de Saussure habang binubuo ang mga pangkalahatang simulain sa lingguwistika, mahirap mahúli ang bigkas ng isang "buháy na wika"
  • Ang bigkas sa isang salita ay ipinapasiya, hindi ng ispeling, kundi ng kasaysayan nitó
  • Patuloy itong magbabago samantalang umuunlad ang pangangailangan ng madlang gumagamit ng wikang Filipino
  • Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay maaaring ugatin mula sa sinaunang panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag na baybayin
  • Nadatnan ng mga misionerong Espanyol 100 porsiyentong letrado ang mga Tagalog at marunong sumulat at bumása sa baybayin ang matanda't kabataan, lalaki man o babae
  • Kailangan nilang ilimbag ang unang aklat sa Filipinas, ang Doctrina Christiana 2 (1593), nang may bersiyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano sa paraang baybayin
  • Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang sulatin ang Balarila (1940)
  • Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybayin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A,E,I,O,U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino
  • Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U ay mahahalatang bunga ng matagal na panahon ng pagtuturo sa bagay na ito kaugnay ng pag-aaral ng wikang Espanyol
  • Hindi isináma sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z
  • Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi, gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño, Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga
  • Noong 1987 ay nalathalang dalawampu't walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng Wikang Pambansa
  • Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z
  • Pinalaganap din ang isang "modernisadong alpabeto" na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol
  • Muling pinagtibay ng Konstitusyong 1987 ang Filipino bilang Wikang Pambansa
  • Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 1991 mula sa binuwag na Linangan
  • Naglathala ang KWF ng bagong gabay noong 2009 na may ikaapat na edisyon nitóng 2012
  • Mapapansin sa gabay ang pagsisikap nitóng pulutin ang mga simulain mula sa resulta ng mga forum ng NCCA gayundin ang nagbabagong tindig ng KWF mula sa unang edisyong 2001
  • Surian ng Wikang Pambansa
    Tinanggap ang mga dagdag na titik na: C, F, J, Ñ, Q, V, X, at Z
  • Modernisadong alpabeto
    Ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ mulang alpabetong Espanyol
  • Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas
  • Patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika
  • Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 1991
  • Nagpalabas ang KWF ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
  • Sinimulan ding talakayin sa 2013 forum ang mga problema sa panghihiram mulang Ingles
  • Nakabatay ang kasalukuyang gabay na ito sa mga resulta ng paguusap sa 2013 forum at sa iba pang umiiral nang kalakaran
  • Pinagtibay din ang pagpapalabas ng isang alpabetong ponetiko upang makapatnubay pa sa paggamit ng wika
  • Grafema
    Isang set o pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng pagsulat
  • Titik
    Sagisag sa isang tunog sa pagsasalita
  • Di-titik
    Binubuo ng mga tuldik at mga bantas
  • Tuldik
    Gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita
  • Bantas
    Kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap
  • Pantig
    Isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambalpatinig at isa o mahigit pang katinig
  • Bawat patinig (a/e/ë/i/o/u) ay isang pantig
  • Kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging pantig
  • May isa lamang patinig sa bawat pantig samantalang maaaring mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig