Araling Panlipunan

Cards (36)

  • Sektor ng Agrikultura
    Isang agham, sining at gawain ng pagproprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto, pagtatanim at pag-aalaga ng hayop
  • Humigit kumulang 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas
  • Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural
  • Sub-sektor ng Agrikultura
    • Paghahalaman (farming)
    • Paghahayupan (livestock)
    • Pangingisda (fishery)
    • Paggugubat (forestry)
  • Mga pangunahing pananim
    • palay
    • mais
    • niyog
    • tubo
    • saging
    • pinya
    • kape
    • mangga
    • tabako
    • abaka
  • Paghahayupan
    Gawaing pangkabuhayan ng kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop
  • Mga hayop na iniaalaga
    • kalabaw
    • baka
    • kambing
    • baboy
    • manok
    • pato
  • Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng pangingisda sa buong mundo
  • Uri ng pangingisda
    • komersiyal
    • Munisipal
    • Aquaculture
  • Komersyal na pangingisda
    Pangingisda ng gumagamit ng mga barko na may kapasidad ng hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan
  • Munisipal na pangingisda
    Nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa
  • Aquaculture
    Pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba't ibang uri ng tubig pangisdaan (fresh, brackish, at marine)
  • Mga produkto ng paggugubat
    • plywood
    • tabla
    • troso
    • veneer
    • Rattan
    • nipa
    • anahaw
    • kawayan
    • pulot-pukyutan
    • dagta ng almaciga
  • Kahalagahan ng agrikultura
    • Nagtutustos ng pagkain
    • Nagbibigay empleyo
    • Pinagkukunan ng hilaw na materyal
    • Tagabili ng mga yaring produkto
    • Nagpapasok ng dolyar sa bansa
  • Suliranin ng Sektor ng Agrikultura
    • Mataas na gastusin
    • Problema sa imprastraktura
    • Problema sa kapital
    • Masamang panahon
    • Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
    • Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
    • Kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
    • Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
  • Mataas na gastusin sa pagsasaka
    Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung ihahambing sa kanila kinikita
  • Problema sa Imprastraktura
    Kakulangan ng mga daanan o farm-to-market road upang madala nila ang kanilang mga produkto sa pamilihan sa tamang oras
  • Problema sa kapital
    Bunga ng kawalan ng kapital, sa mga magsasaka ay napipilitan umasa sa mga sistema ng pautang o usury
  • Masamang Panahon
    Nasisira o lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tagtuyot, lindol at mga bagyo
  • Malawakang pagpapalit-gamit ng Lupa
    Mula sa pagiging lupang agrikultural, sumasailalim ito sa transpormasyon upang maging pook-pasyalan, golf course, industrial complex, at pook residensiyal
  • Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
    Hindi pagtangkilik sa sariling produkto ay lubhang nakaapekto sa kalagayan ng sektor ng agrikultura at ng mga taong umaasa rito
  • Kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
    Nasa makalumang panahon pa rin ang ating mga sistema sa pagsasaka
  • Monopolyo sa pagmamay ari ng lupa

    Nanatiling pag-aari ng iilang landlord ang mga lupain sa bansa, malaking bilang ng magsasaka ang walang sariling lupang binubungkal
  • Mga Programang Pang-Agrikultura ng Pamahalaan
    • Agri-pinoy
    • Programa sa rural credit
    • Farm-to-market road
    • Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
    • Polisya sa importasyon ng bigas
    • Polisya sa prebensyo ng droga
  • Agri-pinoy
    Mas kilala sa agrikulturang Pilipino program, may apat na prinsipyo: food security & self sufficiency, sustainable agriculture & fisheries, natural resource management, at local development
  • Sektor ng Industriya
    Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga produkto na ginagamit ng tao
  • Sub-sektor ng Industriya
    • Pagmimina (Mining)
    • Pagmamanupaktura (manufacturing)
    • Konstruksyon (construction)
    • Utilities
  • Pagmimina
    Pagkuha at pagproseso ng mga yamang mineral upang gawin tapos na produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal
  • Pagmamanupaktura
    Paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor ng mga makina, nagkakaroon ng piskal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto
  • Konstruksyon
    Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements
  • Utilities
    Mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng tubig, kuryente, at gas
  • Uri ng mga industriya ayon sa lakik
    • Cottage industry
    • Small and medium-scale industry
    • Large-scale industry
  • Cottage industry
    Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay
  • Small and medium-scale industry
    Binubuo ng 100-200 na mga manggagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa pagproproseso ng mga produkto
  • Large-scale industry
    Binubuo ng higit sa 200 na mga manggagawa, ginagamitan ng malalaki at kumplekadong makinarya sa pagproproseso ng mga produkto at kailangan ng malaking lugar para sa produksyon tulad ng planta o pabrika
  • Kahalagahan ng industriya
    • Gumagawa ng mga produktong may bagong anyo, hugis at halaga
    • Nagbibigay ng trabaho
    • Pamilihan ng mga tapos na produkto
    • Nagpapasok ng dolyar sa bansa