Pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin na nakabubuo ng mga salitang nakakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan
Isang behikulong nagagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa
Wika
Dila
Wika
LINGUA (Latin)
LANGUE (Pranses)
LANGUAGE (Ingles)
Wika
Tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin - Paz, Hernandez at Peneyra (2003)
Masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura - Henry Allan Gleason Jr.
Isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatika na ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain - DiksyunaryongCambridge
Isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pag-bake ng cake, o ng pagsusulat - CharlesDarwin
Ang wikang pambansa
Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga pilipinong gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto
Kinailangang magkaroon ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan
Ang paksang ito ay naging isang mainit na talakayan at pinagtalunan sa kombensyong konstitusyonal ng 1934
Ang wikang pambansa
Iminungkahi ni Lope K. Santos (Ama ng Wikang Pambansa at Balarila) na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas
Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino
Ang wikang pambansa
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino
Nakasaad sa ARTIKULO XIV, SEKSYON6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Ang wikang pambansa
Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 335 SERYE NG 1988
Ito ay "nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya."
Ang wikang opisyal at wikang pampagtuturo
Saligang Batas ng 1987, ArtikuloXIV, Seksyon7: "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay FILIPINO at, hangga't walang ibang itinatakda ang batas, INGLES. Ang mga WIKANG PANREHIYON ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang KASTILA at ARABIC."
Ang wikang opisyal at wikang pampagtuturo
FILIPINO at INGLES - opisyal na wika at wikang panturo
Mother Tongue (Kindergarten hanggang Grade 3) - opisyal na wikang panturo sa mga paaralang pampubliko at pribado
Kindergarten at Unang Baytang - katatasan sa pasalitang pagpapahayag
Ikalawa hanggang Ikaanim na Baytang - iba't ibang bahagi ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat
Mas Matataas na Baytang - Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of instruction
Unang wika, pangalawang wika, at iba pa
Unang wika o L1 - wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao
Katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, o ng simbolong L1 - pinakamatatas o pinakamahusay na naipabahayag
Pagtuturo sa Kindergarten at Unang Baytang
Katatasan sa pasalitang pagpapahayag
Pagtuturo sa Ikalawa hanggang Ikaanim na Baytang
Iba't ibang bahagi ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat
Sa mas matataas na baytang, Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of instruction
UnangWika (L1)
Wikang nakagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao, katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, kung saan pinakamahusay na naipabahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin
Pangalawang Wika (L2)
Mula sa exposure sa iba pang wika sa paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao - dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga salita o wikang paulit-ulit na naririnig ay unti-unting matututuhan at kalaunan ay magagamit sa pagpapahayag at sa pakikipag-usap sa ibang tao
Ikatlong Wika (L3)
Mga bagong wika na dulot ng paglawak ng mundo ng isang tao (mas maraming mga taong nakakasalamuha, maraming lugar na nararating, mga palabas na napanonood, mga aklat na nababasa, at pagtaas ng antas ng pag-aaral)
Uri ng paggamit ng wika
Monolinggwalismo
Bilinggwalismo
Multilinggwalismo
Monolinggwalismo
Ang pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa, iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, may iisang wika ring iiral bilang wika ng komersiyo, negosyo, pakikipagtalastasan at ng pang-araw-araw na buhay
Bilinggwalismo
Maituturing na bilingguwal kung magagamit ang dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika (Balanced bilingual). Ngunit mahirap mahanap ang mga taong nakagagawa nito dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap
Paano nagiging bilingguwal ang isang tao
Sa pang araw-araw na pakikisalamuha sa iba ay hindi maiwasan ang mag-interak maging sa mga taong may naiibang wika. Nagkakaroon ng pangangailangan upang matutuhan ang bagong wika at makaangkop siya sa panibagong lipunang ito. Sa paulit-ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti'y natututuhan ang bagong wika hanggang sa hindi na mamalayang matatas na at nagagamit na nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap at sa kanyang mga personal na pangangailangan
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal, mayroon tayong mahigit 180 wika at wikain