Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba't ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.