Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Binubuo ang sektor ng ekonomiya ng Agrikultura, Industriya , at Paglilingkod.
Upang maisakatuparan ang pambansang kaunlaran, may mahalagang papel na ginagampanan ang Sektor ng ekonomiya gayundin ang Impormal na sektor at kalakalang pambansa.
Upang makamit ang pambansanng/kaunlaran kailangan ang Agrikultura, Industriya, Paglilingkod, Impormal na sektor at Kalakalang panlabas
Primarya(agrikultura) – paglikha ng pagkain at mga hilaw na materyales.
Sekundarya (industriya) – pagpoproseso sa mga hilaw na materyales,konstruksyon, pagmimina, at paggawa ng mga kalakal.
Tersarya (Paglilingkod) – umaalalay sa buong yugto ng produksyon,distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang dito ang transportasyon, komunikasyon, pananalapi, kalakalan at turismo.
Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala.
Isinulat ni Feliciano R. Fajardo ang Economic Developement (1994)
Ayon kay Feliciano R. Fajardo, ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso at ang pagsulong naman ay ang bunga ng prosesong ito.
Kung gayon, ang pagsulong ay bunga ng pag-unlad
Ayon kina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic Development (2012); may dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw .
Tradisyonal na pananaw - pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita
Makabagong pananaw - dapat na kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Amartya Sen “Development as Freedom” (2008) - kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
Ginagamit ang Human Development Index (HDI) bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.
Ang HDI ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
May tatlong kategorya ang antas ng Kaunlaran ng Bansa at ito ay Maunlad na Bansa, Umuunlad na Bansa, at Papaunlad na Bansa.
Maunlad na Bansa (Developed Economies) – Ito ay mga bansang may mataas na Gross Domestic Product (GDP), income per capita at mataas na HDI.
Umuunlad na Bansa (Developing Economies) – Ito ay mga bansang may mga industriyang kasalukuyang pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng industriyalisasyon.
Papaunlad na Bansa (Under Developed Economies) – Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay kulang sa industriyalisasyon, mababang antas ng agrikultura at mababang GDP, income per capita at HDI
Salik na tumutulong upang magkaroon ng pagsulong ang Ekonomiya - Likas na Yaman, Yamang-Tao, Kapital, at Teknolohiya at Inobasyon.
Mga likas yaman kagaya ng yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral.
Yamang tao- kapag maraming tao ang magagaling, magkakaroon ng maraming output at kakayahan sa paggawa.
Kapital- Dahil sa kapital maaring makabili ng makinarya ang isang negosyante, maari din siyang makabili ng mga makina para mas maparami pa ang mga produkto at serbisyo.
Teknolohiya at mga makabagong inobasyon – mas nagiging epesyente ang pang-pinagkukunanf yaman, mas maraming nalilikhang produkto at serbisyo.
MAPANAGUTAN
- Tamang pagbabayad ng buwis
, Makialam
MAABILIDAD
- Bumuo o sumali sa kooperatiba
, Pagnenegosyo
MAKABANSA
- Pakikilahok sa pamamahala sa bansa, Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
MAALAM
- Tamang pagboto, pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad