Katitikan ng Pulong

Cards (12)

  • Katitikan ng Pulong
    Opisyal na tala ng isang pulong
  • Mababalewala ang pulong kung hindi maitatala ang mga napag-usapan na o napagkasunduan
  • Isinagawa ito nang pormal, obhetibo at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang tinalakay sa pulong
  • Prima facie evidence
    Isang legal na term na ginamit upang sabihin na mayroon kang sapat na katibayan na mapatunayan ang isang bagay sa pamamagitan ng pagturo sa ilang mga pangunahing katotohanan ngunit ang iyong patunay ay maaaring tanggihan
  • Mga Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
    • Pamulaan
    • Mga kalahok o dumalo
    • Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
    • Usaping napagkasunduan tapos o hindi tapos na gawain o nagawang proyekto
    • Pabalita o patalastas
    • Iskedyul ng susunod na pulong
    • Pagtatapos
    • Lagda
  • Mga Kailangang Gawin sa Pagkuha ng Katitikan ng Pulong
    • Hindi miyembro sa nasabing pulong
    • Nakaupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
    • May kopya ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
  • Pagsulat ng katitikan ng pulong
    1. Nakahanda lagi sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
    2. Pokus lamang sa nakatalang adyenda
    3. Nagtataglay ng tumpak at kompletong pamulaan
    4. Irekord ang mga mahahalagang nangyayari
    5. Itala nang maayos ang mga nangyaring mosyon o pormal na suhestiyon
    6. Ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan ay nakatala
    7. Isaayos agad ang mga datos na naitala ng katitikan pagkatapos ng pulong
  • Uri ng estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong
    • Ulat ng Katitikan
    • Salaysay ng Katitikan
    • Resolusyon ng Katitikan
  • Ang Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
  • Bago Mangyayari ang Pulong
    1. Pagpasiyahan ang paraan ng pagtatala ng katitikan at maaaring gumamit ng bolpen at papel, laptop, tablet, computer o recorder
    2. Tiyaking ang gagamiting kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon upang maiwasan ang aberya hanggang matapos ang pulong
    3. Gumawa ng outline o balangkas ng katitikan ng pulong
  • Habang Nagsasagawa sa Pulong
    1. Ilista ang mga kasama sa pulong at hayaang lagdaan nila ito, dito matutukoy ang lumiban
    2. Kilalanin ang bawat isa upang madaling makikilala kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong
    3. Itala ang oras sa pagsimula ng pulong
    4. Ang mahahalagang ideya o puntos lamang ang kailangang itala at maging maingat sa pagsagawa nito
    5. Itala ang mga suhestiyon at ang taong nagbanggit nito, maging ang mga sumang-ayon at gayundin ang naging resulta ng botohan kung mayroon
    6. Itala ang mga mosyong pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong
    7. Itala ang oras nito ng pagtatapos ng pulong
  • Pagkatapos Maisagawa ang Pulong
    1. Gawin o buoin agad ang mga bagay na hindi malinaw na nangyayri sa pulong
    2. Itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, (lingguhan, buwanan, tauhan, o espesyal na pulong), at maging ang layunin nito
    3. Itala ang pagsisimula at pagtatapos ng pulong
    4. Maglagay ng "Isinumite ni:", kasunod ang iyong pangalan
    5. Rebesahin ang katitikan ng pulong bago ipasa sa kinuukulan, sa pagsasagawa nito, basahin itong muli o maaaring ipabasa ito sa kasamahan na nakadalo rin sa nasabing pulong
    6. Pagkatapos ng lahat ng kailangang gawin, ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito